Connect with us

Entertainment

‘Not your uterus’: Heart Evangelista, May Prangkang Kasagutan Sa Tanong Ng Netizen Kung Bakit Hanggang Ngayon Ay Wala Parin Siyang Anak

Diretsahan ang naging pahayag ng aktres na si Heart Evangelista kamakailan matapos kwestyunin ng netizen ang hindi pa niya pagkakaroon ng anak hanggang ngayon.

Hindi nga nakapagpigil si Heart na prangkang sagutin ang hindi kanais-nais na katanungan tungkol sa kanyang personal na buhay. Sa isang Tiktok video ay sinagot ng 36 anyos na aktres ang tanong ng netizen na nagsabing “Bat di kayo magkaanak?”

CREDITS: Heart Evangelista| IG

“Ayoko, eh. Didn’t anyone teach you manners? I mean, you know what… if I am not sad about it, why are you even?”

Dagdag pa nga ni Heart, ay hindi naman daw umano ang pagkakaroon ng anak o pagiging ina ang maaaring magbigay lamang ng kaligayahan sa buhay ng isang tao.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

“Chill. Not your uterus. Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. My goodness. What are you going to do when your kids have their own life?”

Tila nga ayaw magpaawat ni Heart, dahil ang kanyang Tiktok video ay nasundan at may caption na “2022 made Heart palaban”. Sa pagkakataong ito ay binigyang diin naman ni Heart ang tungkol sa kanyang pagiging palaban. Ayon nga sa aktres, sa paglipas ng mga taon ay nalaman na niya ang kanyang self-worth. At kung palabang matatawag ang pagkakaroon ng respeto sa sarili, ay hindi nga hahayaan ni Heart na tapakan siya ng ibang tao.

CREDITS: Heart Evangelista| IG

“I guess every year we get older, we realize our self-worth. Before, I allowed people to step on me and bully me… well, not anymore. Because I know what I went through, I know my worth, I know what’s in my heart. So if palaban means being respectful to yourself and actually handling it with grace but putting your foot down… well then, yes. I will not let you step on me,”paliwanag ni Heart.

Matatandaan naman na hindi ito ang unang beses na pinatulan ni Heart ang kanyang mga bashers. Dahil noong Setyembre 2021, ay sinagot rin niya ang komento ng netizen na may matalas na dila na nagsabing: “Sayang lang ang ganda ng katawan. Hindi mabuntis ng asawa.”

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Hindi nga ito pinalampas ni Heart, at diretsahang sinagot ang hindi kanais nais na komento ay sinabing:

“Okay na sana lahat. Stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Life is good. People I love are fine and everything else in between is okay. Bonus na lang if I do conceive again. It’s my body.”

CREDITS: Heart Evangelista| IG

Bagama’t walang pang sariling anak, ay masaya naman si Heart sa piling ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero. Sila ay ikinasal noong Pebrero 15, 2015 at ngayon nga ay 7 taon nang masayang nagsasama. Matatandaan naman na minsan nang nagbuntis si Heart noong 2018, ngunit sa kasamaang palad nga ay nakunan siya at hindi pa muling pinagkakaloobang mabuntis ulit.

@lme85 Reply to @diaryngkulot ♬ original sound – Heart Evangelista

@lme85 Reply to @judy_arbondad ♬ original sound – Heart Evangelista

error: Content is protected !!