Connect with us

Entertainment

“Not doing this for my husband’s attention”: Pauleen Luna, Proud na Ibinahagi na Nakamit na niya Ang Kanyang Pre-Baby Body Matapos ang Tatlong Taon

Napakahalaga naman talaga ng pagkakaroon ng healthy lifestyle sa buhay ng isang tao. Ang magkaroon ng fit and healthy body, ay malaki ang naitutulong upang tumagal ang ating buhay. Ngunit, isa nga suliranin ng mga bagong panganak na ina, ay ang pagbabawas ng timbang upang maibalik ang dating katawan bago pa man mabuntis at magkaanak.

Dahil nga sa mga nagnanais na ibalik ang magandang hubog ng katawan, ay talagang marami rin ang determinadong magbalik alindog sa pamamagitan ng pag-wowork out at balanced diet. Hindi naman agad-agad ang resulta, ngunit kapag pinagtuunan ng pansin at determinadong makamit ang goal ng pagpayat, ay tiyak na makikita ang bunga at magandang resulta.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Katulad na lamang ng ng TV host-actress na si Pauleen Luna na masisilayan na sa kanyang katawan ngayon ang malaking pagbabago magmula ng isilang niya ang kanilang panganay na anak ni Vic Sotto na si Tali. At ang dahilan nga ng fit and healthy body ni Poleng ay ang kanyang ginawang fitness program na sinimulan niya noong nakaraang buwan ng Pebrero.

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Poleng ang kanyang larawan kung saan makikita ang resulta ng kanyang balik-alindog program at healthy lifestyle na ngayon na ay taglay na ang fit and healthy body.

Ngunit, binigyang-diin ni Poleng na ang pagiging fit and healthy, ay hindi niya ginagawa para lamang makuha ang atensiyon ng kanyang asawang si Bossing o sinumang lalaki. Ito nga ay matapos magkomento ang ilang netizens sa kanyang IG post na agad binara ang kanyang pagpapaganda at pagpapaseksi.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

May netizen na nagsabi ng “Sige lagi kang magpaganda para sa’yo na lang attention ng mister mo. Pero sana ‘yung pagpapagada mo para sa mister mo lang.”

Matapos mabasa ni Poleng ang negatibo nitong komento, ay hindi naman ito pinalampas ng aktres, sa halip nga ay diretsahang sinagot ang komento nito kung saan ay sinabi niyang:

“Thanks for the concern but I’m doing this for myself. I wanna be strong and healthy, so I can live a long life for my family. Not doing this for my husband’s attention or for any guy for that matter.”

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Samantala, ibinahagi naman ni Poleng na nakamit niya ang kanyang fit and healthy body ngayon, matapos ang ilang buwang pagtutok sa kanyang balik-alindog prograam. At ngayon nga, ay taglay na niya ang kanyang pre-baby body matapos ang tatlong taon mula ng isilang si Tali.

“Hello self! Good to see you again. Back to my pre baby body (after 3 years?!?) I only started to take this fitness journey seriously in February 2021 but boy am I glad I did!”

Ayon pa kay Poleng, ay matinding work out at disiplina sa sarili ang kanyang ginawa upang maibalik sa dati ang kanyang katawan. Masayang-masaya nga si Poleng na nakamit niya ang kanyang goal na pumayat at maibalik sa dati ang kanyang katawan. Labis naman ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawa na suportado ang kanyang fitness journey at hindi rin nagsasawang mahalin siya.

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

“Lots of hard work and discipline but I’m happy that I was able to get back on track even if it took a long time! Special thanks to the people who push me to be a better version of myself.”

“And many thanks to my husband who’s been so supportive! This isn’t the end of the journey because fitness is a lifelong thing! To all the mamas messaging me, thank you and take your time, do not rush and you do you.”

Credit: Pauleen Luna Sotto | Instagram

Taong 2016 nang ikasal sina Pauleen at Vic kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng isang napakacute na anak, si Tali na isinilang ni Poleng noong November 2017.

error: Content is protected !!