Connect with us

Entertainment

NorthPort Batang Pier Center Na Si Greg Slaughter at Kanyang Asawang si Schinina Juban, Excited Na Sa Pagdating ng Kanilang Baby Girl

Walang-pagsidlan ng tuwa ang NorthPort Batang Pier center na si Greg Slaughter at kanyang asawang si Schinina Juban dahil sa biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon. Ang kanilang binuong pangarap na isang masayang pamilya, ay nalalapit nang mabigyan katuparan.

Nito lamang ika-30 ng Oktubre ay masaya at may pagmamalaking ibinahagi ng PBA bigman sa kanyang Instagram ang isang napakagandang balita. Isang larawan ang ibinahagi ni Greg sa Instagram kasama ang kanyang asawang si Schinina Juban, dating TV personality. Sa nasabing larawan ay makikita ang nakaumbok na baby bump ni Schinina na kung saan nga, ay dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang panganay na anak nila ni Greg.

Photo credits: Greg Slaughter | IG

Sa caption ng post ng PBA player ay hindi maitago ang kanyang excitement sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay na anak, na kanilang sasalubongin sa taong 2022. Nilakipan pa niya ito ng hashtag na “Girldad”, na ibig sabihin nga ay isang baby girl ang panganay na anak nila ng kanyang asawa.

“Very excited and happy to announce we will be expecting our first baby girl early 2022!! #Girldad.”

Dahil nga isa itong napakagandang biyaya na dapat ipagpasalamat, ay marami rin sa kanilang mga kaibigan ang masayang-masaya para sa mag-asawang Greg at Shinina. Marami ang nagpaabot ng pagbati at excited rin sa pagdating ng kanilang baby girl.

Samantala, matatandaan naman na noong December 2020 nang ikasal ang Northport center na si Greg Slaughter at former TV personality na si Shinina Juban. At ito’y naganap matapos manalo ang kanyang team na Barangay Ginebra sa PBA Philippine Cup championship.

Photo credits: Greg Slaughter | IG

Sa mga hindi nakakaalam si Greg Slaughter ay dating kabilang sa team ng Barangay Ginebra magmula ng taong 2013 hanggang 2020. At siya nga ang selected first overall ng Barangay Ginebra sa 2013 PBA draft. Nakilala naman siya ng publiko sa tawag na GregZilla dahil kanyang malaking bulas at kahanga-hangang taas.

Matapos naman ang matagumpay na karera sa bilang Philippine Basketball Association player kasama ang Barangay Ginebra sa loob ng mahigit 7 taon, ay nagpasya ang mahusay na basketbolista na lumipat ng bagong kupunan. At ngayon nga, ay kabilang na siya sa Northport Batang Pier kung saan siya ang tumatayong center ng team.

Photo credits: Greg Slaughter | IG

Ang Filipino-American professional basketball player na si Slaughter ay ipinanganak sa Ohio at lumaki sa Virginia, at nakapagtapos ng Massaponax High School. Taong 2007 naman nang magpasya ang kanyang mga magulang na umuwi ng Pilipinas at manirahan sa Cebu sa bayan ng kanyang ina. At dito na nga siya kinumbinsi ng kanyang mga tiyuhin na subukan at pasukin ang mundo ng paglalaro ng basketball.

error: Content is protected !!