Connect with us

Entertainment

Non-showbiz Girlfriend Ni Carlo Aquino na si Trina Candaza, Nakatanggap Ng Sweet Message Mula Sa Aktor

Published

on

Bata pa lang ay sumabak na sa pag-arte si Carlo Aquino sa industriya ng showbiz. Una siyang sumikat at nakilala sa kanyang pagganap bilang child actor hanggang sa mahasa ang kanyang talento at nagpatuloy ang kanyang kasikatan bilang teen actor simula dekada 90 hanggang taong 2000. Marami siyang naging proyekto na talagang hinangaan ng publiko.




Nagpalipat-lipat si Carlo sa magkabilang Network, mula sa pagiging talent ng ABS-CBN ay lumipat siya GMA kung saan nagkaroon siya ng kontrata bilang artista. Ngunit, noong 2012 ay muling bumalik si Carlo sa ABS-CBN.

Dito na nga naging makulay ang buhay pag-ibig ni Carlo kung saan maraming babae ang naging bahagi ng kanyang buhay. Isa nga sa mga babaeng kanyang inibig ay ang aktres na si Angelica Panganiban ngunit hindi naman nagtagal ang kanilang relasyon at nauwi sa hiwalayan. Matapos naman ang kanilang paghihiwalay, nanatili paring magkaibigan ang dalawa. Maliban kay Angelica, nakarelasyon rin ni Carlo sina Camille Prats at Maja Salvador. Ngunit, nauwi rin ito sa hiwalayan.

Hindi naman nagpatinag si Carlo na hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig at hindi naman siya nabigo dahil agad naman niya itong natagpuan. Ngunit, sa pagkakataong ito, ang babaeng iniibig ni Carlo ay malayo sa magulong mundo ng showbiz. Ang non-showbiz girlfriend nga na ito ni Carlo ay si Trina Candaza.




Kamakailan nga ay nagdiwang ng kaarawan si Trina kung saan nagpaabot ng sweet na pagbati si Carlo sa social media. Sa Instagram, kalakip ng pagbati ni Carlo ang larawan na kuha sa kanilang magkasamang pamamasyal.

“Happy Kaarawan mahal ko.. 🎂“, caption sa post ni Carlo.

Samantala, matatandaan naman na noong Setyembre 3 nang nakaraang taon, unang ibinahagi ni Carlo sa Instagram story ang larawan nilang dalawa, na kung saan ay nataon na kaarawan naman ni Carlo.

Hindi naman nagtagal ay umamin na rin si Carlo sa namamagitan sa kanila ni Trina. At noong Oktubre 2019 nga, sa naging panayam sa kanya sa programang ‘Tonight With Boy Abunda’, kinumpirma ng aktor na kasintahan niya si Trina.




Ngunit, malapit na bang mauwi sa pag-iisang dibdib ang kanilang pagmamahalan?

Ito nga ang naging katanungan ng media sa aktor noong Pebrero sa isang panayam. Agaran naman itong sinagot ng aktor ng:

“Siyempre oo, oo kasi nasa tamang edad na ako e, 34 na ako e. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon.”

error: Content is protected !!