Connect with us

Entertainment

Non-showbiz Boyfriend Ni Kiray Celis Na Si Stephan Estopia, May Nakakaantig Na Mensahe Para Sa Kasintahan

Published

on

‘Pag-ibig’, salitang nais maranasan ng bawat-isa kung saan ang isang tao ay makakaranas ng pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang buhay at pagkatao. At kapag naramdaman na ang isang tunay na pag-ibig, walang sinuman ang makakapigil pa sa isang tao na iparamdam ang damdaming alay sa iniibig.




Walang pinipiling oras o lugar ang pagpaparamdam ng pagmamahal. Kaya naman, kahit walang okasyon at ordinaryong araw lamang ay makikita sa ilan na talagang ipinaparamdam at ipinapakita nila ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa taong iniibig.

Kung pag-ibig lang din ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang aktres na si Kiray Celis sa pagmamahal na alay sa kanya ng non-showbiz boyfriend niya na si Stephan Estopia.

Ordinaryong araw lamang at walang anumang okasyon, ngunit tila araw ng mga puso para kay Kiray dahil ang kasintahan ng aktres ay ipinakita ang labis na pagmamahal sa kanya sa pamamagitan ng isang nakakaantig na mensahe na pinost sa Instagram.

Sa Instagram nga, ibinahagi ni Stephan ang isang nakakaantig na mensahe para sa mahal na kasintahang si Kiray. Kalakip naman ng post niya ay larawan ni Kiray kung saan ay hawak ang kanyang kamay.




“Ikaw lang iyong tama at magandang nangyari sa buhay ko. Mahal na mahal kita,” saad ni Stephan sa kanyang post.

Makikita sa post ng binata ang tunay niyang damdamin para sa aktres at talagang mahal na mahal niya ito. Kaya naman, kinakiligan ito ng mga netizens.

Samantala, naibahagi naman ni Kiray sa isang panayam ang pagsisimula ng love story nila ni Stephan. Ayon sa aktres, matalik umanong kaibigan ng kanyang kapatid si Stephan at matagal na silang magkakilala, ngunit kamakailan lamang nang sila’y maging malapit sa isa’t-isa. Dagdag pa ng aktres, hindi umano basehan ang matagal na pagkakakilanlan upang magkaroon ng masayang relasyon, bagkus ang tanging kailangan ay ang pagkakaroon ng respeto at pagmamahal sa dalawang taong nagmamahalan.

“I had a relationship, magti-three years din kami,” aniya. “Pero iyon nga, may mga taong darating sa atin to teach us lang a lesson. Hindi iyong para makasama natin habambuhay. So, siguro, siya iyong tao na iyon for me. Ang dami ko rin kasing natutunan…. At na-realize ko, kahit gaano mo katagal kilala iyong isang tao, kung hindi talaga siya para sa iyo, hindi siya para sa iyo. Hindi siya naba-base sa kung gaano mo katagal kilala iyong tao na iyon, kung hindi kung gaano ka nirerespeto ng tao na pumapasok sa buhay mo.”

Saad pa ni Kiray, talagang mahal na mahal siya ni Stephan dahil may mga pagkakataon raw na nauuna pa itong umiyak kapag sila’y nag-aaway. Maliban dito, mabait, magalang at napakalambing raw nito sa kanya.




Bago pa lamang ang relasyon nina Kiray at Stephan bilang magkasintahan ngunit tila napakatagal na nilang magkasama dahil sa dami ng mga masasayang ala-ala na kanilang nabuo at madami na rin silang mga pagsubok na nalampasan upang maging matatag ang kanilang relasyon.

Matatandaan na noong Disyembre 2019 nang maging opisyal ang kanilang pagiging magkasintahan.

error: Content is protected !!