“No Doubt, I will Say Yes”, Celebrity Couple LizQuen Pinag-uusapan Na Ang Pagpapakasal

Kasama sa buhay ng tao ang paghahangad na magkaroon ng taong mamahalin at magiging kapareha habang buhay. Isang tunay na pag-ibig na masasabi na talagang magbibigay saya at kaligayan sa puso ng bawat isa.

Photo Credit: Liza Soberano Instagram

At higit sa lahat ay ang maikasal upang magkaroon ng basbas mula sa Panginoon dahil ito ay isang biyayang dapat nating ingatan at pangalagaan. Maging ang mga iniidilo nating artista ay ganun din ang nais mangyari sa kanilang buhay. Kagaya na lamang ng sikat na “celebrity couple” na sina Enrique Gil at Liza Soberano na pinag-uusapan na ang pagpapakasal.



Sina Liza Soberano at Enrique Gil ay sikat na celebrity couple na kilala sa tawag na “LizQuen”. Marami na silang proyektong pinagsamahan na talaga namang hinangaan ng karamihan at patuloy na sinusuportahan ng mga tagahanga.

Photo Credit: Liza Soberano Instagram

Sa ngayon ay may bago silang teleserye na aabangan at magpapakilig sa mga manonood, ito ang ” Make It With You”. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan noong October 2014 na hanggang sa kasalukuyan ay talaga namang hindi maitatago ang pagmamahal sa isa’t isa.

Kamakailan nga ay naghatid ng isang magandang balita sa kanilang mga tagahanga ang Kapamilya Stars na sina Liza Soberano at Enrique Gil.



Ayon sa kanilang panayam sa ABS-CBN, kinumpirma ng magkasintahan na pinag-uusapan na nila ang pagpapakasal. Pahayag ni Liza, naniniwala raw siya na talagang ang kanyang first boyfriend na si Enrique na ang taong nakatadhana para sa kanya at makakatuluyan nya at ganun din naman daw ang aktor.

Photo Credit: Enrique Gil Instagram

“I really believe so, 100 percent, in my heart, pahayag ni Enrique sa kanyang panayam sa naganap na press conference ng bago nilang teleserye na “Make It With You”.

“Siyempre, you can never say that you’re fully ready for that big question, pero, no doubt, I will say ‘yes’,”

sabi naman ng aktres.

Ibinahagi rin ni Enrique Gil ang planong pagpapatayo ng bahay nila ni Liza para sa hinaharap. Kapag naipagawa na raw niya ang bahay para sa kanyang pamilya ay isusunod naman niyang ipagawa ang bahay na para sa kanila ni Liza.

“And then I’m going to be building Hopie in Vermosa in the future”

wika ng aktor.

Photo Credit: Enrique Gil Instagram

Inilarawan rin niya ang kasintahan na tila isang anghel sa lupa na nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan at pagmamahal kaya naman nais niya itong bigyan ng magagandang bagay na makakapagpasaya sa kanyang real-life girlfriend. Ito rin daw ang pinakamagandang nilalang na kanyang nakilala sa kanyang buong buhay at ayaw na niyang magising pa sa panaginip na ito.



“You truly are an angel here on earth. You just give so much, so much happiness and love and just I hope that me and the world can somehow give all that love back to you. You’re not just drop gorgeous babe, youre the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just good to be true. So don’t wake me from this daydream and just keep on smiling”

sambit niya.

Photo Credit: Liza Soberano Instagram

Masasabi talagang natagpuan na nila ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng bawat isa. Lubos na pinapakita lalo na ng aktor ang pagmamahal niya sa kanyang kasintahan. Talaga nga namang nakakakilig ang dalawang magkapareha.