Nikki Valdez, May Mensahe Sa Mga Katulad Niyang Magulang Ng Mga Batang May Espesyal Na Kondisyon

Bilang isang magulang may natatangi tayong paraan kung paano natin pangalagaan at gabayan ang ating mga anak. Isang pangangalaga at paggabay kung saan makakatulong sa kanila upang maging maayos ang paglaki nila bilang indibidwal.

Photo Credit: Mrs. Nikki Valdez Garcia Instagram

Ang mga magulang ang siyang huhubog sa pagkatao ng mga anak natin na nagsisimula sa ating tahanan kung saan pinapakita natin ang pagmamahal sakanila. Kung ang mga batang nagtataglay ng normal na pisikal na kaanyuan ay nangangailan ng pangangalaga at gabay, hindi bat mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga batang may espesyal na kondisyon? Ang mga batang may espesyal na kondisyon na higit na nangangailangan ng ating atensyon?



Kaya naman ang aktres na si Nikki Valdez, bilang isang magulang ay nagbahagi ng kanyang mensahe sa mga kapwa nya magulang ng mga batang nagtataglay ng espesyal na kondisyon.

“Before each day ends, let us never fail to let our kids know we love them no matter what and that being different does not mean we are less of a person as long as we continue to do good and to be good to others .”

Ito ang kanyang mensahe para sa mga magulang ng mga batang may espesyal na kondisyon.
Ang kanyang anak na si Olivia Ysabelle, 11 taong gulang ay may tinatawag na kondisyon na symbrachydactyly. Ayon sa Children’s Hospital of Philadelphia, ito ay isang.

“Rare congenital hand condition in which a child is born with abnormally short fingers that may be webbed, misshapped, or missing. Usually, only one hand is affected; the other hand appears normal”.

Bilang isa sa paraan ng pagpaparamdam ng pagmamahal ni Nikki sa kanyang anak ay palagi itong laman ng kanyang Instagram account dahil siya raw ang number 1 fan nito. Nitong nakaraan nga ay nagbahagi sya ng isang larawan ng kanyang pinakamamahal na anak kung saan makikita na may hawak na cellphone gamit ang kanyang “baby hand”.

“Took this stolen shot of our baba last week holding a cellphone with her “baby hand”. This is one of the many things she could do with it”

Sabi nya.



Ibinahagi rin nya kung paano naibsan ang kanyang kinakatakutan noon ng kaligayahan at excitement ngayon

“Minsan, nakakaamaze din makita na ‘yung dati kinakatakot namin na pagtatawanan at iiwasan siya dahil sa kamay niya, hindi pala. Actually, ang cute nga o”

Pahayag pa nya.

May iniwan ring napakasweet na mensahe si Nikki sa kanyang anak na mas lalong nagpakita kung gaano nya ito kamahal.

“Babe, I want you to know that I am happy that you accept the person that you are. Despite being your different, you are loved by many, most especially me and our whole family”.

Dagdag pa ni Nikki.

Sa isa naman niyang Instagram post ay ipinahayag nya kung gaano siya ka-proud sa taglay na talento ng kanyang anak sa pagsayaw.

“Kilig na kilig ako seeing you doing this effortlessly. I dedicate this post to all limb different people and their parents for their children acceptance and true strength that only can be given through unconditional love for their children”

Sabi niya.



Tunay ngang walang katumbas at hihigit pa sa sarap ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Isa si Nikki Valdez sa mga halimbawa nito na talaga nga namang hinahangan ng mga netizens kung paano niya pinaramdam ang pagmamahal sa kanyang anak lalo na sa pagkakaroon nito ng espesyal na kondisyon.