Connect with us

Entertainment

Nikki Gil, Naghanda Ng Isang Masayang Reunion Para Sa ASAP Fanatic, At MYX Hosts Kasama Sina Iya Villania, Luis Manzano At Shaina Magdayao

Bagama’t hindi na aktibo sa showbiz at hindi na rin napapanood ng publiko sa telebisyon ang singer-actress, TV host at VJ na si Nikki Gil, ay hindi naman niya nakakalimutan ang magkaroon parin ng ugnayan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

CREDITS: Nikki Gil| IG

Isa na ngayong fulltime mom si Nikki sa dalawang anak nila ng kanyang asawang si BJ Albert. Ngunit, sa kabila nga nito ay nabibigyang oras parin niya ang makipagbonding sa kanyang mga kaibigan.

CREDITS: Nikki Gil| IG

At kamakailan lamang nga, ay naghanda ng isang reunion si Nikki para sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na naging katrabaho rin niya sa ASAP Fanatic at MYX. Nakasama nga ni Nikki ang kanyang mga kaibigan na sina Shaina Magdayao, Luis Manzano at Kapuso star na si Iya Villania.

CREDITS: Nikki Gil| IG

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Nikki sa kanyang Instagram account na kasama rin ng kanyang mga kaibigan ang kani-kanilang asawa. Kasama nga ni Luis ang kanyang misis na si Jessy Mediola, habang kasama naman ni Iya ang kanyang mister na si Drew Arellano. Kapansin-pansin rin sa mga larawan na kasama rin ang asawa ni Nikki na si BJ Albert. Si Shaina naman ay mag-isang nagtungo sa kanilang masayang reunion.

CREDITS: Nikki Gil| IG

Ang masayang reunion ng magkakaibigan ay naganap nito lamang ika-13 ng Marso sa bahay ni Nikki. Hindi naman maitago ni Nikki sa caption ng kanyang Instagram post, na talagang masayang-masaya sa muli nilang pagkikita.

“Marehan 2022. ANG SAYA huhuuhuhu missed you guuuuys!!,”caption ni Nikki sa kanyang IG post.

Ibinahagi rin ni Luis sa kanyang Instagram ang mga larawan na kuha sa kanilang masayang reunion.

Photo Credits to the owner

“Todo laughtrip at kulitan night with these peeps. You don’t need blood to be family. naaaaks lalim, na basa ko lang yun sa banyo dati”,caption naman ni Luis sa kanyang post.

Sa parehong post naman ng kanyang mga kaibigan, ay nag-iwan naman ng komento si Shaina.

“WELCOME TO.. ASAP FANATIC.”

Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa showbiz ang nagbigay rin ng komento sa kanilang post. Ilan lamang nga sa mga ito sina Iza Calzado, Rachelle Ann Go, Isabelle Daza, at Anne Curtis. Si Anne na isa rin sa mga naging host ng ASAP Fanatic ay sinabing sasama na siya sa susunod na reunion.

Photo Credits to the owner

Tunay nga na ang kanilang pagkakaibigan ay hinubog na ng panahon. At kahit nga may sarili na silang mga buhay, ay hindi parin nawawala ang masayang alaala na binuo ng kanilang pagkakaibigan.

Photo Credits to the owner

Ang ASAP Fanatic ay youth oriented spin-off version ng ABS-CBN noontime na ASAP na umere noong 2004 hanggang 2006. Maliban sa pagiging host ng ASAP Fanatic, sina Luis, Nikki, at Iya ay naging VJs rin ng ABS-CBN’s music channel na MYX.

Silang lahat nga ay naging VJ ng MYX sa loob ng 10 taon. Si Luis ay noong 2003 hanggang 2013, si Iya ay 2004 hanggang 2014, at Nikki naman ay 2005 hanggang 2015.

error: Content is protected !!