Connect with us

Entertainment

Nikki Gil Ibinahagi Ang Kanyang Masayang Buhay Bilang Isang Ina

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Nikki Gil? Ang singer na si Nikki Gil ay naging bahagi ng industriya ng showbiz ngunit matapos maikasal at makapag-asawa ay napagpasyahang iwan ang mundo ng showbiz at mas piniling mamuhay na lamang ng tahimik.




Ngayon nga ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kaniyang asawa at anak. Dahil nga naging bahagi siya ng showbiz, marami pa rin ang nagnanais na masubaybayan ang mga kaganapan sa buhay niya. Kaya naman, nagbabahagi ang singer sa social media ng mga nangyayari sa buhay niya upang maging updated ang kaniyang mga tagahanga.

Bagama’t tuluyan na niyang iniwan ang showbiz, nananatili pa rin ang pagbabahagi niya ng mga bagay patungkol sa kaniyang buhay sa Instagram. At sa pamamagitan nga ng social media, nalaman ng kaniyang mga followers na siya ngayon ay nag-aaral ng Interior Design sa Philippines School of Interior Design sa Taguig City. Maliban rito, nasa teatro rin ang singer. Sa katunayan, kasama siya sa line up ng Repertory Philippines 2020.

Ibinahagi ng singer ang magandang balita sa isang press launch. Ayon kay Nikki, masaya siya sa buhay niya ngayon na simple at tahimik ang pamumuhay kasama ang kaniyang asawa at anak. Makikita rin naman sa mga larawan na kaniyang ibinahagi na talagang nag-eenjoy si Nikki na gampanan ang pagiging asawa at ina sa kaniyang pamilya.




Masaya rin siya sa mga oras na kasama ang kaniyang anak sa tuwing nagba-bonding sila. Ngunit, sa kabila ng masaya niyang buhay ngayon, namimiss pa rin niya ang kaniyang trabaho at mga taong naging katrabaho niya noon.

Kaya naman ang hinahangaan nating singer ay muling magbabalik sa kaniyang pinakamamahal na trabaho. At sa kaniya ngang pagbabalik, una niyang makakatrabaho si Gian Magdangal sa Carousel, isang Broadway Musical. Ibinunyag naman ni Nikki na tinanggap niya ang proyekto dahil sa labis niyang pagmamahal sa teatro at ang Broadway Productions ay isang kilalang kumpanya.

Matatandaan na noong nasa industriya pa ng showbiz si Nikki, ay nagkaroon sila ng relasyon ni Billy Crawford ngunit ang kanilang relasyon ay natapos dahil sa issue ng third party.




Ngunit, wala namang pinagsisihan ang singer sa kinahantungan ng kanilang relasyon, sapagkat natagpuan naman niya ang tunay na pag-ibig sa asawa niya ngayon at masaya nang namumuhay kasama ang kanilang anak.

error: Content is protected !!