Connect with us

Entertainment

Nico Bolzico, Ibinahagi ang “12 Promises” sa Kanyang Mensahe Para sa Pagdiriwang ng 1st Birthday ng Kanilang Anak ni Solenn Heussaff na si Thylane

Ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, ay biniyayaan ng isang napakacute na baby girl na isinilang ni Solenn noong Enero 1, 2020 na pinangalanan nilang Thylane Katana.

Ang espesyal na araw na ito na pinaghahandaan ng lahat upang ipagdiwang ang bagong taon, ay isa namang mahalagang araw sa mag-asawang Nico at Solenn, dahil sa pagdating ng kanilang anak sa kanilang buhay.




Sa pagdating ni Baby Thylane, ay hindi naman maikakaila na malaki ang pagbabagong naganap sa kanilang buhay. Kaligayahan naman ang hatid ni Baby Thylane sa kanilang pamilya, na kung saan ay talagang napuno ng kulay.

Photo credits: Solenn Heussaff | Instagram

Tila kaybilis naman ng paglipas ng oras, dahil nito lamang ika-1 ng Enero, ay ipinagdiwang na ni Baby Thylane ang kanyang 1st birthday. At sa pagdiriwang ng kaarawan ng napakacute na si Baby Thylane, ay nagbigay ng nakakaantig na mensahe ang kanyang mga magulang na sina Solenn at Nico.

Bilang ama ni Thylane, ay isang mensahe na puno ng pagmamahal at pangako ang ipinaabot ni Nico sa kaarawan ng kanyang anak na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account.

Panimula ni Nico, sa taon na kung saan ay maraming bagay ang hindi inaasahan, ay dumating ang kanilang anak na nagbigay sa kanila ng kaligayahan.

“Letter from #ElPadre to #TiliBolz for her first birthday: Dear #TiliBolz, Happy Birthday! You came in a very special year where most things didn’t go as planned, but you made it the best year of our lives!”

Saad pa nito, kung saan ay ibinahagi ang “12 promises” bilang isang ama para sa kanyang anak na mahal na mahal niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

“You are really the love of my life and here are my 12 promises to you as your dad, that that I will keep forever.”

“1- I will love you unconditionally.
2- I will dedicate the first 2 hours of all my mornings to you, you can decide to spend them with me or not.
3- I will be there in all your big moments, you are the one who decides what a big moment is.
4- I will guide you to be a good person towards everyone, I will guide you by example.
5- I will respect and love your mum.
6- I will make you proud.
7- I will allow you to choose your own path in life and support it.
8- I will never lie to you.
9- I will have long meaningful conversations with you whenever you allow me to.
10- I will protect you when you need to be protected.
11- I will remind you how much your mum loves you.
12- I will try not to reject every suitor you bring home.”




Maliban sa pangakong pagmamahal na iaalay ni Nico sa kanyang anak, kabilang rin sa pangako nito sa anak ang pag-aalaga at pagproprotekta hanggang sa lumaki ito. Kabilang rin rito ang kanyang paggabay upang lumaking isang mabuting tao si Thylane. At ang panghuling pangako ni Nico sa anak ay susubukan umano niyang huwag i-reject ang mga manliligaw na dadalhin nito sa kanilang tahanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Pahabol naman ni Nico, ay dadagdagan pa niya ang kanyang mga pangako kapag lumaki na si Baby Thylane, at hihingin umano niya ang tulong nito upang isulat ang kanyang mga pangako.

“As you grow I will add more promises and will ask you to help me.”

Samantala, nagpaabot rin ng nakakaantig at sweet na mensahe si Solenn sa kanyang anak.

“Love of my life. You are 1 today. What a crazy year, but the best with you. Thank you for being my best teacher. Will keep learning from you and my love for you will never stop growing. Stay wild and be who you want to be. Te amo!”

error: Content is protected !!