Connect with us

Entertainment

‘Ngayon pa lang nag-sink in sa akin’: Lovely Abella, Hindi Parin Makapaniwala sa Biyayang Natanggap na Bagong Bahay na Katas ng Pag-oonline Selling

Ang kasipagan at pagsusumikap ng aktres na si Lovely Abella sa pagnenegosyo, kasama ang kanyang asawang si Benj Manalo ay nagbunga na. At ang bunga nga ng kanilang pagpupuyat at pagbebenta online ng iba’t ibang produkto ay ang pangarap nilang bahay.

Ngunit, matapos ang isang buwan nang ibahagi ng mag-asawang Lovely at Benj ang biyayang kanilang natanggap, ay nitong nakaraan lamang nang ma-realize ni Lovely na sila ni Benj ay may sarili na ngang bahay.

Hanggang ngayon nga, ay tila hindi parin makapaniwala si Lovely sa tagumpay na nakamit nilang mag-asawa. Kaya naman, sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Lovely ang kanyang labis na pasasalamat.

Ayon nga kay Lovely, ay walang imposibleng maabot ang pangarap kapag nagtiwala sa Diyos at ito’y sinamahan ng sipag at tiyaga.

“Lahat ay isang pangarap na tinupad mo LORD. Ngayon pa lang nag-sink in sa ‘kin na totoong nangyayari lahat ng ‘to sa aming pamilya. Walang imposible talaga ‘pag may pananalig ka kay Lord, sipag at tiyaga. Grabe maniwala kayo walang imposible lalo na sa katulad kong mahilig mangarap.”

“Babe. Cheers! Congrats sa atin,”pagbati naman ni Lovely sa kanyang asawa sa nakamit nilang tagumpay.

Samantala, nagkomento naman si Benj sa post ni Lovely kung saan ay sinabi nito na mas lalo pa silang magsisipag sa pagtatrabaho.

“Let’s go baby! Trabaho pa tayo hahaha love you congrats sa ‘tin! And sa buong team na nakapaligid sa ‘tin! Para sa ‘tin to.”

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Hunyo nang ianunsiyo ng mag-asawang Lovely at Benj sa publiko ang kanilang nakamit na tagumpay sa tulong ng kanilang pag-oonline selling.

Isang nakakainspire na post ang ibinahagi ni Lovely sa Instagram kalakip ang larawan ng bago nilang bahay. Nag-iwan rin si Lovely ng mensahe na puno ng inspirasyon sa mga tulad nilang online sellers. Nagpasalamat rin si Lovely sa Diyos sa hindi inaasahang biyaya na kanilang natanggap.

“Biyaya mula sa langit sa pagsisipag mag-online selling.”

“Sa mga kapwa ko online sellers, nakaka-proud kayo. Soon magkakaroon din kayo ng tulad nito. Parang panaginip. Salamat Lord sa regalong ‘di namin inaasahan ng asawa ko.”

Makikita naman sa social media ng mag-asawa, na may apat silang online business, Lovely Cosmetics, Caf’eatte PH, Kaysha Sandalia, at Pareja. Dahil nga sa kasipagan ng mag-asawa sa pag-oonline selling ay unti-unti na nilang nakakamit nang magkasama ang kanilang mga pangarap sa buhay. At maliban nga sa kanilang dream house, ay nakabili na rin sila ng bagong sasakyan na katas rin ng online selling.

Matatandaan na matapos ang anim na taong relasyon, ay nagpakasal sina Lovely at Benj noong January sa pamamagitan ng isang private ceremony.

error: Content is protected !!