Connect with us

Entertainment

News Anchor na si Atom Aurollo, Natagpuan na Kaya ang Hinahanap na Pag-ibig kay Zen Hernandez?

Nito lamang ika-21 ng Hunyo, araw ng linggo nang maghatid ng kilig sa social media ang post ng CNN Philippines news anchor na si Pinky Webb matapos ibahagi ang larawan kung saan kasama ang mga kapwa broadcaster na sina Atom Aurollo at Zen Hernandez.

Ang nasabing larawan kasi nilang tatlo, ay nilakipan ng caption ni Pinky na tila may ibang ibig sabihin at nais iparating. Sa kanyang post, ay mababakas ang hindi niya maitagong kilig para sa kanyang mga kaibigan.

“I was such a nice surprise!! Syempre, kinilig ako. Kasi, alam mo na..
it’s always so nice to see former officemates diba? [winking face with tongue emoji]
Family is love💙
Kayo talaga..,”caption ng host ng The Source at Balitaan ng CNN Philippines sa kanyang post.

Matatandaan na dating magkatrabaho sina Atom Aurollo at Pinky Webb sa ABS-CBN. At sa muling pagkikita nilang magkaibigan, ay tila may magandang kaganapan sa buhay ngayon ni Atom.

Bumuhos naman ang samu’t saring komento at reaksyon mula sa mga netizens matapos makita ang nasabing post ni Pinky. May ilang netizens nga ang nagsabing matagal nang nagdi-date sina Atom at Zen. Saad nga ng isang netizen, ay nakita raw nitong magkasama sina Atom at Zen way back 2015. May nagsabi ring bagay sa isa’t isa sina Atom at Zen.

Samantala, sa kanyang Instagram account ay ibinahagi rin ni Zen Hernandez ang kaparehong larawan. Ayon naman rito, ang larawan nilang tatlo ay kuha sa Balesin, isang private beach resort sa Polillo, Quezon. Sa naturang post, ay binati rin ni Zen si Pinky sa pagdiriwang nito ng 51 taong kaarawan noong nagdaang June 11.

Caption nga ni Zen,“Bumped into this island goddess in Balesin. Belated Happy Birthday, @pinkywebb! Bakit muka ka pa ring 30, eh di ba 32 ka na? [Winking Face with Tongue, clinking glasses emojis] #latepost”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zen Hernandez (@zenhernandez)

Matatandaan na wala pang napapabalitang nakarelasyon si Atom. At ito nga ang unang pagkakataon, na may napabalitang nalink sa gwapong news anchor.

Natagpuan na kaya ni Atom Aurollo ang hinahanap niyang pag-ibig na magbibigay saya at kulay sa kanyang buhay sa katauhan ni Zen Hernandez?

Sa ngayon, ay wala pang opisyal na pahayag o kumpirmasyon sina Atom at Zen sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Si Atom Aurollo ay kilala ng publiko bilang isang mahusay na journalist, model, television presenter, triathlete, occasional actor, at radio host. Ilang ulit na niyang pinabilib sa kanyang mga kahanga-hangang programa na talagang kapupulutan ng aral. At kanyang husay rin sa paghahatid ng balita, ay talaga namang kahanga-hanga. Nagsimula ang kanyang news-reporting career sa GMA Network sa 24 Oras sa segment nitong “ATOMic Sports”.

error: Content is protected !!