Connect with us

Entertainment

Newlywed Couple na Sina Angel Locsin at Neil Arce, Ipinasilip ang Kanilang Bago at Napakagandang Bahay na Bigay ng Pamilya ni Neil

Unang kinumpirma ng aktres na si Angel Locsin at asawa nitong si Neil Arce ang kanilang relasyon noong 2018. At matapos nga ang isang taong pag-iibigan, ay naengaged na sila sa isa’t isa. Ang kanilang matamis namang pag-iibigan ay nauwi sa isang sagradong seremonya ng kasal nito lamang ika-7 ng Agosto 2021.

Credit: The Angel and Neil Channel

At para sa pagsisimula ng bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa at pagbuo ng kanilang pamilya, ay isang maganda at komportableng bahay ang hanap nila. Mapalad naman ang bagong kasal, dahil sa kabila ng isipin kung saan sila titira, ay binigyan sila ng bahay ng pamilya ni Neil.

Pag-amin nga ng mag-asawa ay nahihirapan silang maghanap ng bahay na kanilang magiging tahanan kung saan magiging komportable sila at malapit rin sa kanilang trabaho. At kung wala talaga silang makita, ay isa sa kanilang condo ang naisip nilang tirhan.

Credit: The Angel and Neil Channel

Mabuti na lamang nga, biniyayaan sila ng bahay ng pamilya ni Neil na kanilang pinarenovate. Dahil nag-iisang anak lang si Neil, ay ibinigay na lamang ito sa kanila at sila na ang nagbigay ng bagong disenyo dito, dahil may kalumaan na. Bagama’t, nahihiya ang newlywed, ay labis naman ang kanilang pasasalamat dahil malaking kaginhawaan sa kanila ang pagkakaroon ng bahay na matitirhan.

Credit: The Angel and Neil Channel

At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ng mag-asawang Angel at Neil sa kanilang vlog ang house tour ng kanilang magsisilbing tahanan. Ilan nga sa mga bahagi ng bahay na ipinasilip ng mag-asawa ay ang kanilang living room, gym, garden pool at vegetable garden. Ayon naman kay Neil, ay si Angel raw talaga ang naging abala para mabigyan ng disenyo at mapaganda ang kanilang bahay.

“Sobrang laking ginhawa, sobrang laking tipid namin sa maraming bagay. Medyo old house siya. Ipina-renovate lang namin nang konti. Actually si Angel karamihan nag-design diyan,” pahayag ni Neil.

Kwento naman ni Angel, ay hindi madali ang maglipat at mag-ayos ng sariling bahay na bukod sa nakakapagod ay nakaka-stress. Ngunit, sa kabila nito ay na-enjoy naman raw nila ni Neil ang bawat proseso.

Credit: The Angel and Neil Channel

Makikita naman na sadyang napakaganda ng bagong bahay nina Angel at Neil na kanilang magiging tahanan sa pagbuo ng kanilang pamilya. Makikita nga sa loob ng kanilang bahay ang iba’t ibang klaseng artworks na obra ng local artists. Sa garahe naman ng bahay, matatagpuan ang golf cart na regalo ni Angel noon sa birthday ni Neil. Makikita rin dito ang paboritong black SUV ni Angel na madalas niyang kasama sa kanyang trabaho.

Credit: The Angel and Neil Channel

Hahangaan naman sa ganda at lawak ang kanilang garden pool kung saan nga ay maaaring ganapin ang mga family gatherings at party kasama ang kanilang mga kaibigan.

error: Content is protected !!