Connect with us

Entertainment

Newly Evicted Housemate Na Si Brenda Mage, Humingi Ng Sorry Sa Kanyang Mga Inasal Habang Nasa Loob Ng Bahay Ni Kuya

Isa nga sa programang talagang inaabangan ng sambayang Pilipino na mapanood sa telebisyon ay ang reality show na Pinoy Big Brother. Sa nasabing kompetisyon kasi ay makikilala ang tunay na katauhan ng bawat housemates, kung sila ba ay totoong tao o nagpapanggap lamang.

Photo credits to the owner

Sa bawat tasks nga na ipinapagawa ni Kuya, ay dapat mapatunayan nila sa kanilang sarili ang kanilang kakayahan, at masabi na sila nga ang karapat-dapat na maging Big Winner. Ngunit, tulad ng ibang kompetisyon ay isa lamang ang magwawagi at tatanghaling panalo.

Photo credits to the owner

At nitong nakaraang linggo nga ay tatlong housemates ang nagpaalam sa Bahay ni Kuya, at hinarap na ang outside world. Sila ay sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at si Brenda Mage dahil sa mababang puntos na kanilang nakuha. Isa naman sa talagang umagaw ng atensyon ng mga viewers, at talagang pinag-usapan sa social media ay ang housemate na si Brenda Mage na nakilala bilang “Ang Fun-Along Comedian ng Cagayan de Oro.

Hindi nakaligtas sa mata ng mga manonood ang ipinakitang pag-uugali ni Brenda habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya. At dahil nga sa hindi kaaya-ayang asal ni Brenda habang nasa bahay ni Kuya, ay nakatanggap siya ng pambabatikos mula sa mga netizens. Kaya naman, sa kanyang muling pagharap sa outside world, at nalaman ang naging tingin sa kanya ng publiko, kamakailan lamang ay humingi ng sorry si Brenda sa kanyang mga inasal habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Photo credits to the owner

Matatandaan na maraming isyu ang kinasangkutan ni Brenda noong nasa loob pa siya ng bahay ni Kuya. At isa na nga rito ang tungkol sa pagsasalita ng hindi maganda sa ex-housemate niyang si Alexa Ilacad na kung saan nga ay hindi nagustuhan ng mga netizens at dahilan para mabash siya sa social media.

At sa kanyang paglabas sa Bahay ni Kuya, ay kinuha niya ang pagkakataong humingi ng sorry sa mga mali at hindi magandang ipinakita bilang housemate sa Bahay ni Kuya. Idinaan ni Brenda ang kanyang paghingi ng tawag sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang Facebook account kalakip ang isang throwback photo.

Photo credits to the owner

“Lahat ng salita at aksyon ko ay sumasalamin sa aking pagmumukha at pagkatao.. Kaya kung may nasaktan man ako sa mga nagawa ko i am Sorry… eto talaga ako eh pasensya na po. I am not MARITES but this is BRENDA MAGE. Lablablab Godbless!”

Sa hiwalay namang post, ay muling humingi ng tawad si Brenda. Ayon nga sa komedyante, ay isa lamang siyang hamak na tao na nakakagawa ng mga pagkakamali sa buhay.

“Pasensya na po talaga sa lahat ng nangyari. Tao lang po ( mukha lang hindi ) nagkakamali. Salamat po.”

Sa kabila naman ng mga natatanggap na pambabatikos ng mga netizens kay Brenda, ay marami pa rin ang kanyang mga tagahanga na walang sawang ipinapakita ang pagsuporta sa kanya.

error: Content is protected !!