Connect with us

Entertainment

New Look Ni Ivana Alawi Sa Kanyang Short Hair, Hinangaan ng Netizens

Ang natatanging ganda ng sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay mas lalong lumutang sa kanyang new look na hatid ng kanyang short hair. At ang new look ngayon ni Ivana ay talagang hinahangaan ng mga netizens dahil sadyang napakaganda at fresh na fresh ang kanyang dating.

Credits: Ivana Alawi | YT

Nito lamang ika-13 ng Oktubre ay sinurpresa ni Ivana ang kanyang mga tagahanga matapos ibahagi sa Instagram ang kanyang larawan kung saan makikita ang maikli niyang buhok.

Ang nasabing larawan ay nilakipan naman ni Ivana ng simpleng caption na “Not a prank”. Matapos masilayan ng mga netizens at ilan niyang kaibigan sa showbiz, ay inulan ng positibong komento ang kanyang post.

“Looks sooo good,” komento ni Miss Philippines Hispanoamericana 2021 Emmanuelle Vera.

Credits: Ivana Alawi | YT

Ang aktres na si Loisa Andalio ay nag-iwan ng tatlong heart emojis. Samantalang ang celebrity hairstylist na si Renz Pangilinan ay nagkomento naman ng “LOVEEEEE!”

Sa kanyang latest vlog kung saan nakasama niya ang kanyang Ate Amira kung saan nagkaroon sila ng make over ay ipinaliwanag ni Ivana kung bakit niya naisipang magpagupit ng maikling buhok.

Ayon nga ni Ivana, ay first time niyang nagpagupit ng short hair ito nga ay dahil nais niyang sumubok ng kakaiba. Isa rin sa dahilan ay dahil nga raw idol niya si Lisa Manoban ng BLACK PINK at gusto niya lang itong gayahin. Nilinaw naman ni Ivana na hindi siya broken hearted para magpagupit ng short hair. Mapapansin din na maliban sa pagpapagupit, ay nagpakulay rin ng itim na buhok si Ivana. Hindi naman maikakaila na napakaganda ni Ivana at bagay na bagay sa kanya ang kanyang short hair.

Credits: Ivana Alawi | IG

“First time kong magmamaiksing hair. Wala lang, gusto ko lang ng something different. Hindi naman ako brokenhearted or what. Pero idol ko si Lisa (Manoban of BLACKPINK) kaya gagayahin ko ‘yung short hair niya. Ang ganda.”

Matatandaan naman na noong December 2020, ay nakita si Ivana na napakaganda sa kanyang short hair nang magkaroon siya ng pictorial para sa endorsement ng isang brand ng jewelry. Marami rin ang pinahanga noon ni Ivana sa kanyang kagandahan ngunit napag-alaman nga na nagsuot lamang siya ng wig para sa nasabing photoshoot.

Kamakailan lamang ay laman ng usap-usapan si Ivana Alawi at aktor na si Marco Gumabao matapos kumalat ang kanilang video kung saan naispatang magkasama sa isang kasiyahan habang nasa karaoke session kasama ang kanilang mga kaibigan.

Credits: Ivana Alawi | IG

Kumalat nga ang samu’t saring espekulasyon kaugnay sa tunay na estado ng relasyon nina Ivana at Marco sa isa’t isa. Ngunit, kamakailan lamang sa virtual press conference ng kanyang bagong series na Di Na Muli, ay hindi nagbigay ng anumang detalye si Marco kaugnay sa isyu sa halip nga ay sinabi na may nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ngayon.

error: Content is protected !!