Connect with us

Entertainment

“Never be ashamed of where you came from and your story!”: Lotlot De Leon, May Mensahe Para sa mga Kapwa Adopted Children

Hindi na lihim ang pagiging isang adopted child ng aktres na si Lotlot de Leon. 7 months old pa lamang siya nang ibigay siya ng kaniyang lola sa nanay ni Nora Aunor. Hindi nagtagal ay napalapit na si Nora kay Lotlot kaya naman nagdesisyon siyang ampunin na lamang ito. Noong tumuntong ng apat na taong gulang si Lotlot, nagkaroon na rin siya ng isang ama nang ikinasal si Nora kay Christopher de Leon.

Photo credits: google.com

Pitong taong gulang naman si Lotlot noong inamin ng kaniyang mga magulang na siya ay inampon nila. Totoong hindi niya naintindihan agad ang konsepto ng pag-aampon ngunit sinubukan daw ni Nora na ipaliwanag ito nang mabuti sa kaniya.

Photo credits: google.com

Gaya rin ng ibang adopted children, hindi naiwasan ni Lotlot na isipin ang kaniyang totoong mga magulang. Dahil dito, ipinagdasal ng aktres na sana’y makilala niya ang kaniyang totoong nanay at tatay. Sa kabutihang palad ay nasagot naman ang kahilingan ni Lotlot. Taong 1992 nang makilala niya ang kaniyang nanay na si Eva Rodriguez samantalang nakilala naman niya ang kaniyang tatay na si Donald Lee Olson noong 2009.

Dahil sa kilalang kwento ng buhay ni Lotlot, nagbahagi siya ng isang mensahe sa social media, hindi lamang para sa mga adopted children, kundi pati na rin sa lahat ng taong nakapaligid sa mga batang ito. Sa unang parte ng social media post na ito, ipinagmamalaki niyang inamin na isa siyang adopted child. Sa kabila nito, malaki ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng magaganda at masasama niyang karanasan sa buhay.

Paglalahad niya, ang mga karanasang ito raw ang humubog sa kaniyang pagkatao. Ayon nga sa kaniyang post,

“I am grateful for many things in my life. I am grateful for all the good and bad things that I have been through because those are what molded me to be who I am today! I accept what was and what is! I will keep on moving forward owning this life that was given to me.”

Photo credits: google.com

Bagamat may iilang tao gaya ni Lotlot na kuntento at masaya sa kanilang buhay, nakakalungkot isipin na napakarami pa ring mga bata ang hindi komportable sa kanilang pagiging isang adopted child dahil na rin sa pangungutya ng ibang tao. Payo ni Lotlot, huwag na huwag sana nilang ikahiya ang kanilang pinanggalingan,

“For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story!”

Photo credits: google.com

Para naman sa mga taong iba ang pagtingin at pagtrato sa mga adopted children, matapang rin na nagbigay ng mensahe ang aktres. Ipinahayag niya na kinakailangang tigilan na nila ang diskriminasyon sa kanilang kapwa tao. Ayon nga sa kaniyang post, “Oh and please to those who keep on discriminating ADOPTED kids, let go of the bigotry. It’s so unbecoming of a supposed “human being”!”

error: Content is protected !!