Connect with us

Entertainment

Netizens Napa-sana All sa Nakakakilig at Napaka-Sweet Na Litrato Ni Kiray Cellis Kasama Ang Kanyang Boyfriend Na Si Stephan Estopia

Marami nga ang talagang giliw na giliw sa aktres at komedyanteng si Kiray Celis. Hindi naman na ito nakapagtataka dahil talagang masayahin at malambing si Kiray sa mga taong nakakasama niya. At tulad nga ng inaasahan, ang masayahing si Kiray ay pinagpala hindi lamang sa kanyang matagumpay na karera kundi pati na rin sa kanyang makulay na love life.

Puno nga ng saya at kilig ang buhay pag-ibig ngayon ni Kiray sa piling ng kanyang mapagmahal at maalagang boyfriend na si Stephan Estopia. Ang masasaya at ‘sweet moments together’ nga nina Kiray at Stephan ay masisilayan sa mga larawang ibinabahagi sa kani-kanilang social media accounts.

Hindi rin naman maitatanggi na masayang-masaya ang mga tagahanga at tagasuporta ni Kiray na makitang masaya ang kanilang idolo sa piling ng nobyo nito. At kamakailan lamang nga, ay muling naghatid ng kilig ang magkasintahan sa kanilang mga tagahanga.

Tila nga natagpuan na ni Kiray ang inaasam na kaligayahan sa piling ni Stephan dahil kitang-kita naman sa awra ng aktres ang nadaramang pagmamahal nito sa kanya.  Kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ni Kiray sa isang Instagram post ang magagandang katangian ni Stephan na para sa aktres ay kanyang “ideal guy”. Para nga kay Kiray, natagpuan na kay Stephan ang lahat ng pinapangarap niyang katangian ng taong nais niyang makasama sa buhay, kung kaya’t wala na siyang hahanapin pang iba.

“Mabait, pogi, maalaga, supportive, mahal ang pamilya ko, loyal na faithful pa. Wala ng hahanapin pa stephan.estopia.,” saad ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Kalakip nga ang kanilang sweet photos kung saan makikitang masaya pareho ang magkasintahan, ay mababakas sa mensahe ni Kiray para kay Stephan ang kanyang labis na pagmamahal. Ngayon nga, ay abala si Kiray sa kanyang trabaho kung saan sila ng kanyang mga katrabaho ay nakalock in taping. Kaya naman, sa kanyang post ay sinabi ni Kiray na “behave” siya habang naka-lock in taping para magtrabaho.

“Behave ako dito sa taping. Trabaho lang. see you on nov daddy! I love you! Naalala ko sa picture nato sabi ko, tagu taguan. Hindi landian. Hindi ka magandang ehemplo sa kabataan. Eme! HAHAHAHAHA,” dagdag pa ni Kiray.

Sa kanyang post rin ay pinuri ni Kiray ang taglay na ganda ng resort na kanyang kinaroroonan at ayon pa sa aktres ay babalik siya dito sa December para magbakasyon.

“Kahit upuan sa kaiprivateresort, instagramble! HAHAHAHA! Balik kami dito sa december! Thank you sir @leoortizofficial!,” patuloy pa ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Hindi naman maitago ang saya at kilig ng mga netizens at napa-sana all na lang sa mga litrato nina Kiray at Stephan na talaga namang napakasweet sa isa’t isa.

error: Content is protected !!