Connect with us

Entertainment

Netizens Namangha at Labis na Ikinagulat ang Magkahawig na Magkahawig na Litrato nina Bea Alonzo at Lola ni Dominic Roque na si Lola Zeny

Hindi nakaligtas sa pansin ng mga tagahanga at tagasuporta ng aktres na si Bea Alonzo ang nagviral na litrato nila ni Lola Zeny, lola ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque. Marami ang talagang napahanga at talagang nagulat matapos masilayan ang kanilang litrato dahil magkahawig na magkahawig ang mukha ng nilang dalawa.

Marami nga ang nagsabi na sila talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa, dahil sa paniniwalang karaniwang na-iinlove ang mga lalaki sa babaeng kamukha ng kanilang ina o lola. At ang kasabihang ito, ay tila nga isinabuhay ni Dominic dahil ang kanyang iniibig at nagpapasaya sa kanyang buhay ngayon na si Bea Alonzo, ay kahawig na kahawig ng kanyang Lola Zeny.

Sa isang Facebook post, ay makikitang pinagtabi ang litrato nina Bea at Lola Zeny. At kung pagmamasdang mabuti ay talagang malaki ang pagkakahawig ng hugis ng kanilang mga mukha, ilong at labi. Sa litrato rin ng batang mukha ni Lola Zeny, ay masisilayang isa itong mestiza na tulad rin ng napakagandang aktres na si Bea.

Marami naman sa mga fans ng celebrity couple na sina Bea at Dominic ang umaasa na sila na talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa at ang kanilang matamis na pag-iibigan nga, ay tuluyan nang mauwi sa pag-iisang dibdib.

Sa mga hindi nakakaalam si Lola Zeny o kilala rin bilang si Zeny Tamayo ay ina ng tiyahin ni Dominic na si Beth Tamayo. Ang pamilya ng dating aktres ay kasalukuyang nakabase sa Amerika. Matatandaan nga na noong nakaraang buwan ng Hulyo nang bumisita ang magkasintahang Bea at Dominic sa Amerika kung saan nga ay nakadaupang palad ni Bea ang pamilya ng kanyang nobyo.

Sa mga larawang ibinahagi ni Bea sa kanyang social media, ay makikitang masaya niyang nakabonding ang mga kamag-anak at pamilya ni Dominic. Makikita nga sa isang larawan na ibinahagi ni Dominic sa kanyang IG stories na kasama ni Bea si Lola Zeny.

Makikita rin naman ang mainit na pagtanggap ng pamilya ni Dominic sa kanyang kasintahang si Bea. At walang duda na pasado nga ang aktres para maging kasintahan at maging kabiyak ng aktor pagdating ng tamang panahon.

Kamakailan lamang nang mag-guest ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo sa “The Boobay and Tekla Show” kung saan ay sinabi nitong seryoso siya sa relasyon nila ni Dominic. Inamin rin ni Bea na isang “husband-material” si Dominic kung saan nga, ay narito na ang lahat ng kanyang hinahanap.

“Siyempre naman, at this point in my life, hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi naman seryoso, di ba? Pagkatapos ng lahat.  Seryoso naman talaga. Oo, husband-material.”

error: Content is protected !!