Ang pag-asenso sa buhay ay hindi lamang nababase sa taas ng pinag-aralan kundi nababase rin sa tamang diskarte upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay.

May kasabihan rin tayo na pagdating sa matagumpay na estado ng pananalapi, na kung saan ay hindi mahalaga kung magkano ang kinikita, kundi higit na mas importante kung magkano ang naiipon.
Sa kasabihang ito nagsimula ang kwento ng isang natizen na hinangaan ng marami dahil sa kanyang narating sa buhay. At kanya ngang pinatunayan na kasama ang tamang pag-iisip at diskarte upang makapag-ipon ang susi sa tagumpay.
Ngunit, paano nga ba siya nagsimula upang maabot ang kanyang tagumpay?

Sa facebook, ay naging usap-usapan ang netizen na si Emmanuel M. Jagmis na kung saan ay naibahagi niya ang kanyang nakakainspire na kwento sa pagnenegosyo.

Ayon kay Emmanuel, nakapagpundar siya ng paupahan, computer shop, tindahan at maging ng kotse para sa kanyang magulang sa tulong ng kanyang gawang ice drop. Ibinahagi ni Emmanuel na isang malaking biyaya sa kanya ang pagtitinda ng ice drop. Mahigit tatlong dekada na umano siyang nagtitinda ng ice drop sa malapit na paaralan ng elementarya.

At ngayon nga, matapos ang ilang taong pagsisikap sa kanyang munting negosyo ay nagbunga na ang pagod at pawis na puhunan sa kanyang negosyo. Dahil nga sariling gawa niya ang ice drop at talaga nga namang masarap ito at bentang-benta sa mga mamamili agad itong nakilala sa kanilang lugar. Kaya naman, dahil sa sipag at tiyaga niya ay malaki ang kinikita niya, nakapag-ipon na siya, at nagkaroon rin ng iba pang investment sa pagnenegosyo.
Paglalahad niya,
“Share ko lang ang istorya ng aking homemade icedrop na mahigit tatlong dekada nang mabili sa mga bata dito sa lugar ko. Maswerte ako dahil tapat ako ng elementary school, napakalaki ng naitulong nito sa ekonomiya ko.”
“Nakapagawa ako ng mga paupahan, computer shop, at tindahan at ngayon awa ng Diyos ang matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng sasakyan. Salamat po Panginoon ng madami”
dagdag pa niya.
Ang kwentong ito ni Emmanuel ay naging inspirasyon sa lahat, na huwag maliitin ang maliit na negosyo kagaya ng ice drop, sapagkat maliit man ito, ay malayo naman ang mararating.

Ang mga netizens naman ay labis na napahanga ni Emmanuel at nagbigay pa ang mga ito na kanilang mga komento at reaksyon.
“Iba ang hanapbuhay na pinaghirapan. Congrats po!”
“wow. Nakakainspire po kayo ang galing ninyo!
Dahil nga agad itong nagviral, may isang netizen pa ang nais rin magkaroon ng ice drop recipe, bilang pagsisimula sa papasoking negosyo.
“Sir, baka po puwede niyo pong mashare iyong recipe ng inyong ice drop. Sobrang laking tulong po sa mga katulad ko na magkaroon ng extrang kita.”