Connect with us

Entertainment

Netizen Hindi Napigilan ang Humanga sa Kagandahan ni Herlene Budol A.k.a Hipon Girl Matapos Niya Itong Makuhanan ng Video

Marami ang namangha sa naging transformation ni Herlene Budol o mas nakilala nga ng publiko bilang si Hipon Girl, kaya naman ngayon ay talagang pinag-uusapan siya ng maraming netizens dahil sa mas tumitingkad pa nga niyang angking kagandahan.

Photo credits: Herlene Budul | YT

Si Herlene Budol o mas kilala ng publiko bilang si Hipon Girl ay unang nakilala ng siya ay nasali sa isang segment ng Wowowin na Willie of Fortune. Siya ay agad napansin ng host nito na si Kuya Wil dahil sa kanyang ipinamalas na talento sa pagsasayaw at maging sa pagbibigay ng katatawanan sa maraming mga manonood.

Kinabiliban din nga ni Kuya Wil ang kanyang ipinakitang galing sa pagho-host, kaya naman simula noon ay kinuha na siya nito bilang regular host ng nasabing programa at dito na nga nag-umpisa na makilala siya ng mga viewers bilang si Hipon Girl.

Photo credits: Herlene Budul | YT

Maliban sa pagho-host sa programang Wowowin ni Kuya Wil, ay nagbigay din nabigyan din ng oportunidad si Herlene na ipamalas ang galing niya sa pag-arte. Ang una niyang naging appearance sa TV ay sa isang drama episode sa “Magpakailanman” na mayroon ngang titulo na “Yaya, Duba and I”, kung saan ay gumanao siya bilang si Jenny.

Photo credits: Herlene Budul | YT

Lingid naman sa kaalaman ng publiko, na bago pa natin makilala sa telebisyon si Hipon Girl o sa tunay na buhay nga ay si Herlene ay naging title holder na siya noon, at ito nga ay bilang “Binibining Angono in Sining” noong taong 2017.

Ayon pa sa mga ulat, isa sa mga pangarap ni Herlene ay ang maging kalahok sa Bb. Pilipinas, kaya naman ngayon na siya ay nabigyan ng pagkakataon na isa sa maging kalahok ng prestihiyosong beauty pageant ay tila nga talagang pinalitaw niya pa lalo ang kanyang angking ganda.

Photo credits: Herlene Budul | YT

Ngayon nga ay talagang marami ang humahanga sa angking kagandahan ni Herlene, at tila nga naging mala-latina ang kanyang taglay na kagandahan sa bagong bersyon ng kanyang sarili ngayon.

Photo credits: Herlene Budul | YT

Ito nga ay makikita sa mga larawan niya ngayon sa social media, at maging isang viral video kung saan ay nakunan siya ng isang netizens habang ito nga ay nakasakay sa isang kotse at nakita siya ay hindi nito napigilan ang kunan nga siya ng video dahil sa pagkamangha niya sa kahanga-hanga niyang ganda.
Samantala, marami naman sa mga fans ngayon ni Herlene ang talagang proud sa kanya matapos nga niyang makapasok sa screening ng Bb. Pilipinas.

error: Content is protected !!