Bata pa lamang ay pangarap na ng netizen na si Randy N. Oliverio ang magkaroon ng magandang bahay. Kaya naman ng mag katrabaho at maka angat sa buhay ay sinigurado niya na tuparin ang pangarap na ito hindi lamang para sa kanya kundi maging sa kanilang buong pamilya.
Tubong San Antonio, Northern Samar si Randy at lumaki at namulat sa hirap ng buhay probinsiya. Doon ay naninirahan sila sa bahay na ipinamana sa kanyang ama ng mga magulang nito o ng kanyang lolo at lola.
Habang lumalaki siya ay madalas niya noon makita ang kanyang ama na gumawa ng blue print ng isang two-storey house at me terrace pa. Ayon sa kanya ay ito ang plano sana ng kanyang ama na maipatayo para sana sa kanila ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natupad kaya naman si Randy na mismo ang nagtuloy ng naunsyaming pangarap ng kanyang ama.
Marami ang na-inspire ng ipinost niya sa kanyang Faceboook account ang kwento sa likod ng dalawang larawan na kuha mula noong 2014 at isa pa na kuha lamang nitong 2019. Talaga naman mapapahanga ang sinumang makakita sa laki ng improvement na naganap sa nasabing tahanan na itinayo sa parehong spot.
Ngunit paano nga ba niya ito nagawa? Ayon kay Randy na nagtatrabaho na sa ngayon sa Manila bilang Property Specialist sa Avida Land Corp, noong una raw ay binalaan siya ng kanyang mga kasama sa trabaho dahil hindi umano wise investment ang pagpapatayo ng isang building o property dahil wala kang makukuhang return on investment (ROI).
Ngunit para sa kanya mas pinili pa rin niyang ilaan ang mga perang kinikita niya sa para sa ikakasaya ng kanyang mahal na ama na matagal ng nangangarap ng makapag patayo ng isang magandang buhay. Hindi naman nagkamali si Randy dahil nang matapos ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay labis na kagalakan ang naidulot nito hindi lamang sa kanya kundi maging sa kaniyang magulang.
Ayon pa nga sa kanya ay napakalaking relief para sa kanya na ngayon ay maayos na ang kanilang tirahan sa probinsoya dahil hindi na siya mangangamba na baka mabasa ang kanyang pamilya sa mga tulo sa bubong ng kanilang dating bahay o di kaya ay masira ito sa tuwing may bagyo.