Connect with us

Entertainment

Neri Naig, Sinurpresa Ang Kanyang Mister Na Si Chito Miranda Ng Isang Yate Sa Kaarawan Nito

Pagdating sa sipag, tiyaga at diskarte sa pagnenegosyo ay nangunguna nga ang tinaguriang wais na misis na si Neri Naig-Miranda. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang dami ng negosyong pinagkakaabalahan ni Neri.

Patuloy namang inienjoy ni Neri ang bunga ng kanyang sipag at tiyaga bilang isang matagumpay na negosyante. Kasama rin siyempre ni Neri sa kanyang tinatamasang tagumpay ang kanyang pamilya.

Photo credits: Neri Miranda | IG

At kamakailan lamang nga, ay muling pinatunayan ni Neri ang kanyang tagumpay na tinatamasa matapos surpresahin ang kanyang mister na si Chito Miranda ng isang bagong yate.

Nito lamang ika-7 ng Pebrero ay ipinagdiwang ni Chito ang kanyang ika-46 taong kaarawan. Hindi naman pinalampas ng kanyang misis na si Neri na supresahin ang frontman ng Parokya ni Edgar.

Sa kanyang Instagram account, ay masayang ibinahagi ni Neri ang kanyang surpresa kay Chito kung saan nga ay binilhan niya ito ng bagong yate na may living area, bedroom at may sarili ring banyo.

“May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe! Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing.”

Ayon naman kay Neri, ay plano nilang paupahan muna ang nabiling yate. Sa ganitong paraan nga, ay mapapakinabangan nila ng husto ang kanyang bagong investment. Naibahagi rin ni Neri ang plano nilang pagbili ng jetski, ngunit ayon nga sa dating aktres ay pag-iipunan muna niya ito ngayon.

“Wala pa kaming jet ski, pero balak ko na ring pag-ipunan. Next time muna, sagad na bulsa ko.”

Sa ngayon ay may condo rental ang mag-asawang Neri at Chito sa beach. Maliban dito ay may iba pang real estate property ang mag-asawa. Minsan na ring pinabilib ni Neri ang publiko matapos niyang ibahagi ang nabili niyang lote na sadyang napakalawak na may sukat na 6,000 sqm. Ang nasabing property ay nabili ni Neri gamit ang kanyang sariling pera na mula sa kanyang sipag at tiyaga sa pagnenegosyo bilang isang online seller.

Photo credits: Neri Miranda | IG

Kahanga-hanga naman talaga ang ipinapakitang kasipagan at tiyaga ni Neri sa kanyang mga negosyo, na unti-unti na ring lumalago. Sa dami nga ng kanyang hawak na negosyo at patuloy pang dumadami ay talaga namang hindi na nakapagtataka na nagagawa niyang bumili ng isa pang bagong investment. Ang isang wais at madiskarteng tulad ni Neri nga, ay inspirasyon ang hatid sa mga nanay na tulad niyang maraming pangarap sa kanilang pamilya.

Ang mag-asawang Chito at Neri ay ikinasal noong 2014, kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak. Ang dalawa sa mga ito ay biological child ng mag-asawa na sina Miguel at Manuel. Ang kanilang babaeng anak na si Pia ay kanila namang adopted child.

error: Content is protected !!