Connect with us

Entertainment

Neri Naig-Miranda, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Sunflower Garden

Ang dating aktres na si Neri Naig-Miranda ay kilala na ng publiko hindi lamang bilang isang mapagmahal na asawa’t ina sa kanyang pamilya, kundi pati na rin bilang isang madiskarteng misis na kung saan nga ay nagmamay-ari ngayon ng maraming negosyo.

Hindi naman na nakapagtataka na sa taglay na diskarte at kasipagan ni Neri, ay nakapagpundar siya ng maraming ari-arian at investment na malaki ang naitutulong sa kanilang pamilya. At isa nga sa pinakamalaking investment ni Neri kung saan ay katulong at kahati niya ang kanyang asawang si Chito Miranda, ay ang ipinatayo nilang Miranda Rest House na matatagpuan sa Alfonso Cavite na nakatayo mismo sa harapan ng kanilang farm.

Photo credits: Neri Naig Miranda | IG

Hindi naman maikakaila na si Neri ay malaki ang hilig sa pagtatanim, at bilang laking Zambales, ay hindi naalis sa wais na misis ang magkaroon ng pananim ng iba’t ibang klase ng gulay sa kanilang tahanan.

Ayon nga kay Neri,“Gusto ko na lahat ng ingredients sa kusina, kukunin ko sa labas lang.”

At tila hindi lamang sa pagtatanim ng mga gulay natatapos ang pagkahilig ni Neri sa pagtatanim. Dahil maliban sa kanyang vegetable garden sa kanilang bahay, ay ipinagmamalaki rin ni Neri ang kanyang napakagandang Sunflower Garden. Unang ipinasilip ni Neri ang kanyang noong buwan ng Pebrero 2021 sa pamamagitan ng isang video ang pangunguha niya ng mga buto ng Sunflower para kanyang itanim at palaguin.

Matapos lamang ang ilang buwan ay muling nagbigay ng update si Neri sa kanyang Sunflower garden. At ayon nga sa aktres, ay unti-unti nang namumulaklak ang mga sunflower na kanyang itinanim. Ibinahagi rin ni Neri, na nagtanim siya ng sunflower sa kanyang cafe, para mas magmukha itong maganda kapag nagbukas na.

“Pampa-good vibes lang. Isa isa na ring namumulaklak ang sunflower ko. Isang mahabang helera ‘yan kaso sila yung unang namulaklak at dahil mas tapat sila sa araw. Nagtanim rin ako ng sunflower sa cafe para kapag nagbukas meron na sanang sunflower garden. Sa cafe.”

Photo credits: Neri Naig Miranda | IG

Makalipas pa ang ilang buwan, nito lamang Mayo 2021, ay nagbigay ng panibagong update si Neri sa kanyang mga tagahanga. Sa Instagram ay ibinahagi ni Neri ang larawan ng kasama ang kanyang anak habang nasa gitna ng mga nakatanim na sunflower. Ayon sa caption ng aktres, ay malapit na raw mabisita ang kanyang sunflower garden upang masilayan ang gandang hatid nito.

“Malapit niyo nang makita, mabisita, at magka-picture-picture. Maraming bago sa nerisnotsosecretgarden at excited na kami na mapuntahan niyo soon. Sana matapos na ang pandemic para buong family ulit ang makakapasyal at may live bands ulit!”

Photo credits: Neri Naig Miranda | IG

Sa mga hindi pa nakakaalam, maliban sa iba pang negosyo ni Neri ay nagmamay-ari rin siya ng restaurant business sa Laurel, Batangas na tinawag na Neri’s Not So Secret Garden, kung saan nga ay masasarap na “traditional Filipino food and comfort dishes” ang inihahain sa mga customer.

error: Content is protected !!