Connect with us

Entertainment

Neri Naig, Ibinahagi ang Ipinapagawang Glass House na Regalo Niya Para sa Kanyang Sarili

Kilala na ng lahat ang maybahay ni Chito Miranda na si Neri Naig bilang isang masipag at madiskarteng misis. Kitang-kita naman talaga ang kasipagan at diskarte ni Neri lalo na pagdating sa pagnenegosyo dahilan nga kung bakit isa siyang matagumpay na negosyante.

Credits: Neri Miranda | IG

Ang lahat ng bunga ng kasipagan at pagsusumikap ni Neri, ay talaga namang deserve niya. Kaya naman, hindi nakalimutan ni Neri na bigyan ang kanyang sarili ng regalo na talagang magpapasaya. At ito nga ang kanyang ipinapagawang glass house na kamakailan ay masaya niyang ibinahagi sa publiko.

Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Neri na ang kanyang ipinapagawang Neri’s studio glass house, ay nagsisilbi niyang regalo para sa kanyang sarili matapos ang maraming taon na wala siyang binili para sa kanyang sarili.

Credits: Neri Miranda | IG

“Gift ko na sa sarili ko, ilang birthdays at Pasko rin na di ko binilihan ang sarili ko ng kung ano ano. Para rin naman sa pamilya at trabaho ko ‘to, kaya pussssh ko na ‘to this year!”

Ayon pa kay Neri ay kailangan lamang niya ng kunting oras para magpalakas mula sa panganganak para muling bumalik at sumabak sa pagtatrabaho.

Hindi naman maitago ni Neri ang kanyang labis na kaligayahan dahil ang kanyang dream project ay maisasakatuparan sa tulong ng mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya. Sobrang kailangan raw nila ng isang studio para sa kanilang shoot ng mga brands.

Credits: Neri Miranda | IG

“Finally! Matutuloy na ang dream project ko sa bahay. Dahil need ko talaga ng mini studio para sa mga shoot ko/namin para sa mga brands na nagtitiwala sa pamilya Miranda at hindi na sa mismong loob ng bahay o lilipat pa kami sa mirandasresthouse para sa mga shoots,” ani Neri.

Nabanggit rin ni Neri ang dahilan kung bakit nahinto pansamantala ang pagpapagawa ng kanyang dream project. At ito nga ay kinapos raw siya sa budget kung kaya’t kailangan pa niyang muling mag-ipon para matapos na ito.

Credits: Neri Miranda | IG

“Naudlot kase pandemic at kailangan pag ipunan pa yung pagpapagawa, hehe! Kulang budget eh. One at a time lang mga projects para di magpatong patong ang bayarin at matapos agad.”

Ibinahagi rin ni Neri ang kanyang mga plano at nais gawin kung sakaling matapos na ang pagpapagawa ng kanyang glass house. Ayon nga kay Neri, ay sila muna ang magluluto sa glass house at doon nga sila madalas kakain na animo’y kumain sa labas dahil ito’y itatayo sa garden kung saan masisilayan ang magandang tanawin.

“Padagdag lang din ako ng mudroom dahil why not? Haha! Peg ko si Martha Stewart eh, panindigan na. Aayusin din yung garden, minimalist lang para low maintenance at may place ang mga dogs,” dagdag pa ni Neri.

Credits: Neri Miranda | IG

Hindi naman nakalimutan ni Neri na pasalamatan sa kanyang post ang kompanya na nagsisilbing instrumento para mabuo ang kanyang pangarap na glass house.

“Thank you grupo.santamaria sa pagbuhay ng mga dream projects ko, hihi! Napapadali nyo yung trabaho ko talaga. Excited na akong makita ang outcome at makapag shoot na very very soon!”

Bagama’t, hindi pa gaanong buo ang plano ni Neri sa mga balak niyang gawin sa kanyang dream project, ay agad naman niyang inilatag ang plano niyang pagpapagawa ng laundry area. At ang nais pa ng madiskarteng misis ay isang maaliwalas, malinis at mabango na laundry area kung saan ay pwede raw maging tambayan.

Credits: Neri Miranda | IG

“Next project ko naman laundry area na andun na lahat. Gusto ko very organized at complete na. Maayos na sampayan, drawers, malaking sink for handwash, plantsahan, organizers, etc. ‘Yung pwede kang tumambay sa laundry area. Malinis, maaliwalas, at mabango. Pag ipunan muna.”

error: Content is protected !!