Connect with us

News

Neil Arce Ipinagtanggol Ang Fiancee Na Si Angel Locsin Mula Sa Basher Na ‘Sociologist’ Na Nagsabing Fake Umano Ang Relief Efforts Ng Aktres

Published

on

Ang Kapamilya Actress na si Angel Locsin ay hindi lamang Darna ng telebisyon kundi tunay ring bayani ng bayan sapagkat taglay niya ang kabutihang loob at pagiging matulungin sa kapwa.

Ngayon ngang nahaharap sa krisis ang bansang Pilipinas laban sa COVID-19, muli na namang ipinamalas ni Angel ang kanyang kabutihang loob.




Ngunit may ilan atang hindi suportado ang ginagawang pagtulong ng aktres sa ating mga kababayan at sinabihan umano ang aktres na fake lamang o pagpapakitang tao lamang ang ginagawang ito ng aktres.

Hindi na nga napigilan ng film-producer businessman na si Neil Arce na ipagtanggol ang kanyang fianceé na si Angel Locsin sa isang basher nito sa social media na nagsabing puro kaplastikan daw ang ginagawang tulong ng nasabing aktres sa mga taong apektado ng pandemic na sakit ngayon na Covid-19.

Isang nagpakilalang sociologist at professor ang nagsabi na ang ginagawang tulong ng aktres na si Angel Locsin na pagbibigay ng ayuda sa mga frontliners at medical personnel ay isang self-promotion at publicity.

Narito ang naging mensahe ng nasabing hater ng aktres,

” Frankly speaking, I am not impress with actress Angel Locsin if she is helping. She is earning an overpriced rate of Php 500,000 per taping day.

“That is unjustice to the more hardworking Filipinos working very hard but not paid properly. Her help is pure publicity and self-promotion.”




Dagdag pa nga nito,

” I’d rather praised our lowly hardworking frontliners who are underpaid than those boastful teleserye stars who are self-centered. The problem with Filipinos is that they easily praise and worship those boeastful starts. I can feel that Angel Locsin is not genuine. I am not dumb. I am a sociologist. I know her sincerity is fake.”

Sa pagkakataong ito ay hindi na nga napigilan ni Neil Arce na ipagtanggol ang kasintahan at fiancee na si Angel Locsin, at mariin nitong ipinamukha sa basher ng aktres na ang ginagawang pagtulong ng kanyang fiancee ay bukal sa puso nito at walang halong kaplastikan o pagkukunwari.

“Someone sent me this post today. First of all my fiancé is not trying to impress anyone So it doesn’t reallt matter to us if you were not impressed. Yes I agree with you I myself would rather raised frontliners who are risking their lives everyday, ” pahayag ni Neil.

Ayon pa kay Neil, “This is the reason why we are doing this to help our frontliners by making sure that they are protected, making sure that they can rest and by making sure we do everything we can to make their lives easier.

“Impressing anyone especially people like you who seems to hate people you do not know personally is not all important to us,” sabi pa niya.

Paglilinaw din ni Neil, hindi totoo na kalahating milyon ang talent fee ni Angel per taping day nito




“Stating that she makes that much money per taping a day is far from reality and is fallacious.”

“I honestly believes that God made her succesful, because God knows she will use it to help those who are in need. Calling out all actors as self-centered and Filipinos idiots is something we do not need during this time of crisis sir.”

“What worries me is that I read that you are a Professor, is this what we are supposed to teach our students? Are we supposed to teach our students to look at everything negatively?

“I don’t expect everyone to believe in the sincerity of the things we do. But if the people iur students are supposed to learn from thinking this way then our country will never really have a chance to prosper, “

dagdag pa ni Neil para sa mga binitawang mensahe ng basher ni Angel Locsin.

error: Content is protected !!