Connect with us

Entertainment

“Nawala Na Lang Yung Contractor”: Rica Peralejo, Ibinahagi Ang Kanyang Pagkadismaya Matapos Maloko Ng Contractor Ng Kanyang Bahay

Hangad ng marami sa atin ang magkaroon ng maayos na bahay. Isang bahay na may kaaya-ayang disenyo sa ating mga mata. Kaya naman, para makamit ang nais nating disenyo ay kumukuha tayo ng taong mapagkakatiwalaan na eksperto sa paggawa at pag-aayos ng bahay.

Photo credits to the owner

Katulad na lamang nga ng aktres na si Rica Peralejo na sa kagustuhang mapaganda ang kanyang bahay, ay kumuha ng contractor para sa renovation ng kanyang bahay noong 2020. Ngunit, hindi nga inaasahan ni Rica na ang taong hiningan niya ng tulong para ayusin ang kanyang bahay ay hindi tinapos ng maayos ang kanilang trabaho.

Pagbubunyag nga ni Rica sa kanyang vlog na ibinahagi noong May 2021 sa kanyang Youtube channel, ang proyektong sinimulan ng kinuha niyang contractor ay nakatengga at hindi man lang natapos. Kwento pa ng aktres, ay naging excited siya renovation ng kanyang bahay. At mas pinili naman ni Rica ang gastos sa renovation ng kanyang bahay na pasok lang sa kanyang budget.

Photo credits to the owner

“I was very excited when we started the renovation. I got some people on board so meron akong dalawang kinompare and then siyempre, I naturally went with the cheaper option because I feel like ito naman talaga ‘yung afford ko lang kasi siyempre hindi rin naman talaga ganun kamura magpa-renovate.”

Ayon naman kay Rica, ay nagsimula ang lahat nang mapansin niyang tila late nang pumasok ang mga trabahador at umatagal lamang ng tatlong oras ang trabaho ng mga ito sa loob ng isang araw. Matapos naman niyang tawagan ang designer at contractor ay wala paring pagbabago sa proyekto. Hanggang sa inabutan na nga ng pag-iistrikto sa quarantine dahilan nga para matengga ang renovation ng bahay.

Photo credits to the owner

“I called the attention of my contractor and designer. They were both sorry and they said they were going to do something about it but it kept on happening. Tumagal nang tumagal nang tumagal ‘yung project until nawala na lang ‘yung contractor/architect ko. ‘Di siya sumasagot sa mga tawag ko for a few months.”

At nang hingin umano ni Rica ang breakdown ng mga gastos ay walang maipakitang maayos na dokumento ng mga naging transactions nila.

“He doesn’t know how much I’ve paid and I already went over the agreed costing.”

Pag-amin naman aktres, ay nadismaya at nagalit siya sa nangyari ngunit mas pinili umano niya ang magpatawad, mag-move on at ipagkatiwala na lamang sa Diyos ang lahat.

Photo credits to the owner

Samantala, kung nais namang magparenovate ng bahay at kukuha ng contractor, architect at designer ay may mga bagay na dapat isaalang-alang. Una nga ay dapat may referrals muna mula sa mga nakatrabaho na nito. Maaaring humingi sa social media recommendations. Mahalaga ring mag-research muna tungkol sa kukuning tauhan kung may mga nagawa na ba itong maayos na proyekto.

Photo credits to the owner

At kapag nga kumbinsido na sa mga naging proyekto nito, ay maaari nang mag-set ng meeting para pag-usapan ang gagawing trabaho. Tiyakin rin na alam mo ang magiging proseso, makakahingi ng kopya ng dokumento, at dapat ring malaman itinakdang panahon para matapos ang proyekto. Maging maingat rin sa paglabas ng budget kung saan nga ay dapat imonitor ito para hindi lumampas sa itinakdang budget. At higit nga sa lahat, ay laging maging updated sa status ng proyekto. Kung maaari ay humingi ng progress report para malaman kung nasusunod ba ng tama ang plano.

error: Content is protected !!