Connect with us

Inspiring

“Natuto akong maglaba, to clean up after myself” Angelica Panganiban, Kina-Career na ang Pagkakaroon ng Simpleng Buhay Lalo na at Nalalapit na siyang Maging Isang Ganap na Ina

Minsan sa buhay ng isang tao, tila may mga pagkakataon talaga na bago ibigay sa atin ng Diyos ang bagay na ating inaasam-asam sa ating buhay, ay sinisigurado muna niya kung kakayanin ba natin kapag ibinigay na niya sa atin ang ating kahilingan at kung tayo ba ay nararapat para rito.

Para sa aktres na si Angelica Panganiban ay tila ganito ang pangyayari sa kanyang buhay ngayon, na parang inihanda siya ng Diyos sa bagay na noon pa man ay matagal na niyang ipinagdarasal sa kanyang buhay at ito ay ang maging isang ina at magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Batid ng publiko na sa kasalukuyan ay ipinagbubuntis ni Angelica ang magiging panganay na anak nila ng partner niyang si Gregg Homan, at bilang homemaker at expectant mom ay hindi maikakaila na marami ng natutunan ang aktres sa kanyang buhay at isa na dito ay ang pamumuhay ng masaya at simple kasama ang taong kanyang minamahal at mahalaga sa kanyang buhay.

Sa pinaka-latest vlog na ini-upload ni Angelica nito lamang nakaraang ika-24 ng Hulyo ay nagbigay pasilip siya sa buhay niya ngayon bilang isang homemaker at expectant mom. Ipinasilip niya ang ilan sa mga pinagkakaabalahan niya sa kanyang tipikal na araw.

“Nakapag-breakfast na, nakapag-yoga na, nag-start na din akong maglaba”, pagbabahagi ni Angelica.

Ibinahagi rin ng aktres sa naturang video na taong 2019 ng matutunan niya ang mabuhay ng wala siyang inaasahang iba sa loob ng kanyang tahanan, kung saan ito ang nakatulong sa kanya para mas maging self-sufficient siya, na ngayon na siya ay nagdadalang-tao ay tunay niyang ipinagpapasalamat.

“Okay siya”, ani Angelica.

Dagdag pa niya, “ Dami kong natutunan. Natuto ako maglaba, to clean up after myself kapag nagluluto ako. So, parang ‘yon lang siguro hinintay ni Lord, na ‘Okay ba, kaya mo ba? Kaya mo ba talaga alagaan ‘yong sarili mo? So, binigyan niya ‘ko ng baby bump.”

Ayon kay Angelica, tila ang hinintay lamang ni Lord sa kanya ay ang matutunan niya ang maging masaya sa simpleng buhay at ang matuto siya ng mga bagay na batid nito na makakatulong kapag ibinigay na nito ang kahilingan niya na maging isang ina, kaya naman ngayon ay heto na nga’t ‘wish granted’ na dahil nasa sinapupunan na niya ang matagal na niyang hinihiling kay Lord.

Samantala, ipinakita rin ni Angelica sa vlog na ibinahagi niya kung paano ang ginagawa niyang paghahanda at pagluluto ng lunch, ang naging paghuhugas niya ng pinggan at maging ang pag-go-grocery nila ni Gregg.

Napaka-simple naman talaga ng ganitong buhay ngayon ni Angelica, ngunit sa kabila nito, ibinahagi naman ng aktres na ine-enjoy niya ang simpleng buhay niya ngayon lalo na’t bago siya nagbuntis ay talaga namang subsob din siya sa trabaho kaya tila ito na din ang pinaka naging mahaba niyang pahinga.

“Well, noon naman kasi bago ako mabuntis lagi akong puyat galing sa trabaho. Konti lang talaga yung tulog. Nakabawi na lang ako ng pahinga sa buhay ko nung pandemic. Pero before that, maka-apat na oras ka… Sa industriyang ito kapag naka-apat na oras ka, bukod-tangi kang pinagpala”, pagbabahagi ni Angelica.

Matatandaan na buwan ng Marso ng kasalukuyang taon ng i-anunsyo ng magkasintahang Angelica Panganiban at Gregg Homan na magkakaroon na sila ng anak. I-nireveal naman ng dalawa na baby girl ang gender ng kanilang magiging baby nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo 2022.

error: Content is protected !!