Connect with us

Entertainment

“Natural Born Surfer” Lilo Sumabak nanaman sa Pagsusurfing Kasama ang Amang si Philmar Alipayo

Habang tumatagal mas lalong naeenjoy ni Andi Eigenman ang paninirahan sa probinsya ng siargao kung saan dito na ang kinagisnan ng kanyang mga anak. Dito nakikita niyang malayang nakakapaglaro at nakakapagswimming sa dagat ang kanyang mga anak, naprapractice din nito ang kanilang mga hilig.

Photo credits: andieigengirl | Instagram

Kagaya nalang ng pangalawang anak nila Andi at Philmar na si Lilo na dalawang taon palamang pero nakikitaan na ng natural na talento sa pag susurfing.

Habang lumalaki si Lilo Alipayo mas lalong lumalabas ang kanyang natural skills sa pag susurfing na walang duda na minana niya sa kanyang amang si Philmar.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Andi Eigenman sa kanyang instagram account noong June 12, mapapanood ang isang maikling video kung saan si Lilo ay nagprapractice sa kanyang surf board. Kalakip ng video ang caption ni Andi na,

“Flat season means getting the littles out in the water as much as possible, and allowing them to get themselves started in surfing!”

Samantala ibinahagi naman ni Philmar ang larawan nila ng kanyang anak na si Lilo na nagsusurfing. Makikita kung gaano ka hands-on ang ama sa pagtuturo sa anak na tila gusto talaga nitong sumunod sa kanyang yapak bilang isang propesyonal na surfer ang anak na si Lilo.

Photo credits: chepoxz | Instagram

Photo credits: chepoxz | Instagram

Matatandaan na noong April ibinahagi ni Andi na nagsisimula na si Lilo na matuto mag surfing at ibinahagi ng dating aktres na ngayon ay isa ng vlogger na walang problema kung ang kanyang mga anak ay mag explore ng ibat-ibang bagay habang sila ay tumatanda, ito naman talaga ang nagpapasaya sa buhay ng isang tao.

“It doesn’t matter if they eventually opt to explore different things as they get older. That’s what makes life more enjoyable after all. But what a simple joy it is to see them love the life we are able to offer them. Not by force, but by nature.”

Masaya din si Andi at Philmar na makita ang kanilang mga anak na masaya at minamahal ang buhay na kanilang naibibigay sa mga ito.

error: Content is protected !!