Connect with us

Entertainment

Natatanging Kagandahan ni Iza Calzado Sa Kanyang Suot na Caption Suit, Inulan ng Papuri at Paghanga Mula sa Publiko

Karamihan nga sa mga sikat na artista sa industriya ng showbiz, ay taglay na ang kahanga-hangang kagandahan at mga gwapong mukha. Idagdag na rin dito ang kanilang magandang hubog at matipunong pangangatawan. At kung sasamahan pa nga ito kanilang husay pagdating sa larangan ng pag-arte ay talaga namang hahangaan sila ng publiko.

Credit: Iza Calzado | Instagram

Ang taglay na gwapo at magandang mukha ng mga artista, ay nagsisilbi nilang puhunan para marami silang magawang proyekto. At sa tuwing ibinahagi nga nila sa madla ang kanilang natatanging kagandahan, ay nagsisilbi rin itong inspirayson sa marami para maging maganda at maging maalaga sa kanilang sarili.

Credit: Iza Calzado | Instagram

Katulad na lamang nga multi-awarded actress na si Iza Calzado na kamakailan lamang ay bumihag sa atensiyon ng publiko matapos masilayan ang kanyang natatangi at kahanga-hangang kagandahan matapos maging cover ng isang kilalang magazine.

Credit: Iza Calzado | Instagram

Sa ngayon ay 39 taong gulang na ang aktres, at hindi maikakaila na sa kabila ng kanyang edad, ay masisilayan parin ang kanyang makinis at napakagandang mukha. Walang duda na napapangalagaan ng mabuti ni Iza ang kanyang pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng healthy foods at pag-eehersisyo araw-araw. Tiyak na ito ang kanyang sikreto para makamit ang kanyang glowing skin at seksing katawan.

Sa taglay nga na kagandahan ni Iza ay nabihag niya ang puso ng kanyang British-Filipino husband na si Ben Wintle. Noong Disyembre 19, 2018 nang ikasal si Iza at Ben na naganap sa Club Paradise sa napakagandang isla ng Coron, Palawan.

Credit: Iza Calzado | Instagram

Hindi naman maikakaila na sa paglipas ng panahon, ay makikita parin ang tamis ng pag-iibigan nina Iza at Ben. At ang nag-uumapaw na pagmamahal nila sa isa’t isa ay kitang-kita naman kahit nasa trabaho sila. Patunay lamang nito ang mga nakakakilig na litrato nang sila’y maging August cover ng isang high-society and luxury lifestyle magazine. Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ng dalawa sa Instagram na nangingibabaw parin ang kanilang pag-iibigan.

Samantala, agaw pansin naman ang solong larawan ni Iza, kung saan nga makikita ang kanyang lutang na lutang na kagandahan sa kanyang suot na captain suit.

Credit: Iza Calzado | Instagram

“Ayon sa kanyang caption na, “I want to get away, i want to fly away ✈️ sharing a layout from our @tatlerphilippines shoot that seriously makes me miss travelling. Where would you fly off to, if you could?”

Dahil nga sa ipinamalas na natatanging kagandahan ni Iza, ay inulan siya ng komento na puno ng papuri at paghanga hindi lamang mula sa kanyang mga tagahanga kundi pati na rin sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

error: Content is protected !!