Connect with us

Entertainment

Natatandaan niyo paba ang Batang Aktres na Gumanap Bilang si Maria Flordeluna? Dalaga na siya ngayon

Published

on

Hindi ba kayo nagtataka o nagtatanung man lang kung nasaan na ba ang mga dating batang artista na biglang nawala o nagdesisyong iwanan ang career sa industriya ng show business?



Ang iba sa kanila ay pinagpatuloy ang pag-aaral at tinatahak na ngayon ang landas o pinagbubuti ang kanilang karera ngunit hindi na sa industriya ng show business kundi sa mga kurso na kanilang tinapos noong sila ay nag-aaral pa. Samantalang, ang iba naman sa kanila ay nagbabalik pag-aartista ngunit iba ng role ang gustong gawin.

Isa na ngang halimbawa dito ang batang artistang na gumanap bilang si Maria Flordeluna at siya ay si Maria Eliza Pineda Bautista o mas kilala bilang si Eliza Pineda. Sa murang edad ni Eliza Pineda ay nakitaan na ito ng galing sa pagaarte at naging parte na din ito sa ibat-ibang palabas tulad ng “Mga Anghel Na Walang Langit”, “Kung Fu Kids” at ang “Maria Flordeluna”.

Ngunit makalipas ang ilang taon na pagkawala sa telebisyon, ang dating cute na batang babae na bida ng Maria Flordeluna ay isa na ngayong napakaganda at kaakit-akit na dilag. Sa kabila ng mala anghel at inosenteng mukha ng 23 taong gulang na si Eliza Pineda ay gusto na daw nitong gawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon tulad nalang ng pagpopose sa isang mens magazine.



Kung tutuosin ay kayang kaya naman talaga ni Eliza ang magpose sa isang men’s magazine lalo na sa katawan nito ngayon na napakaganda ng hubog at nakakaakit pa. Ilan din sa mga larawan na kanyang binahagi sa kanyang social media account ang nagpapatunay na pwedeng pwede talaga itong maging model ng men’s magazine. Suportadong suportado naman kay Eliza ang kanyang ina mula pa ng magsimula sya sa industriya ng show business hanggang ngayon na gusto na niyang subukan ang ibang lebel ng kanyang career.

Sa ngayon ay marami naring netizens ang nag-aabang sa muling pagbabalik ni Eliza Pineda sa telebisyon at sa pagtahak nito sa kanyang bagong karera sa industriya ng show business.

error: Content is protected !!