Connect with us

Entertainment

Natatandaan Niyo Pa Ba Ang Cute Na Batang Gumanap Na Cedie Na Si Tom Taus? Ito Na Siya Ngayon

Nakakaaliw naman talaga ang mga cute at bibong bata na napapanood natin sa telebisyon. Sila nga ang nagbigay ng saya sa atin at bumuo ng ating mga araw. Ngunit, sa mabilis na paglipas ng panahon ay hindi rin natin namalayan ang kanilang mabilis na paglaki.

Photo credits to the owner

Ngayon nga ay malalaki na siya kung saan nga ay tinatahak na landas na kanilang pinili para sa kanyang buhay. Bagama’t, wala na sila sa mundo ng showbiz bilang cute at bibong child star ay hindi maitatanggi na tumatak sa ating puso’t isipan ang kanilang mga ginampanang karakter sa telebisyon.

Photo credits to the owner

Katulad na lamang nga ng cute at bibong bata na si Cedie na pumawi ng ating mga lungkot sa tuwing napapanood natin sa telebisyon. Ngunit, nasaan na kaya ang batang gumanap na si Cedie na ginampanan ni Tom Taus?

Photo credits to the owner

Kamakailan lamang, ay agaw pansin ang larawang ibinahagi ng aktres na si Antoinette Taus sa social media. Sa larawan kasi ay makikitang kasama niya sa nagdaang holiday season ang dalawang lalaking importante sa buhay niya. Sila ay ang kanyang ama na si Thomas Taus Sr, at kanyang kanyang kapatid na si Tom Taus.

Photo credits to the owner

Sa mga hindi nakakaalam, ang dating cute na bata na gumanap bilang Cedie ay si Tom Taus na kapatid ng aktres na si Antoinette. Makikita nga sa larawan na ang cute na bata noon ay malaki na at tinatahak na ang landas na nagbibigay saya sa kanya.

Matapos pasayahin ang mga manonood noong siya’y cute na bata pa lamang, ngayon ay isa na siyang mahusay na DJ. Isa na siya pioneer sa pagsama-sama ng live electronic drums and dance music na nagtatanghal bilang isang DJ.

Photo credits to the owner

At nang dumalo nga sa isang festival ay tinanghal bilang isa sa mga “Best of the Region” (South East Asia) si Tom sa DJ MAG ASEAN. Talaga nga namang ipinamalas ni Tom ang kanyang husay sa stage sa mga festival na kanyang dinadaluhan tulad ng ULTRA Japan at Road To Ultra Philippines. At hindi naman ito basta bastang festival dahil lahat ng ito ay ginanap kasama ng ilan sa mga top DJ sa mundo tulad ni Armin Van Buuren, Tiesto, Hardwell, Martin Garrix, Avicii, Alesso, Skrill3x at Swedish House Mafia.

Photo credits to the owner

Naimbitahan rin si Tom na magtanghal sa mga events na ang mga naging host ay mga bigating pangalan katulad na lamang nga nina Lady Gaga, Sn

oop Dogg, Manny Pacquiao at marami pang iba. Dahil sa kanyang husay ay nakilala ang kanyang pangalan sa Asya, at sa mga syudad ng Tokyo Japan, Shanghai, Ho Chi Minh City, sinundan pa ng UAE at iba pang parte ng mundo.

Hindi naman maikakaila naeenjoy ngayon ni Tom ang kanyang tinatahak na karera. Ang dati ngang cute at bibong bata, ngayon nga ay ipinakita ang talento bilang isang mahusay na DJ.

error: Content is protected !!