Connect with us

Stories

‘Nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya’: Carla Abellana Binasag ang Katahimikan Patungkol sa Kumakalat na Hiwalayan nila ng Kanyang Asawang si Tom Rodriguez

Binasag na ng aktres na si Carla Abellana ang katahimikan nito sa isyong hiwalayan nila ng kanyang asawang si Tom Rodriguez.

Photo credits: google.com

Hindi na napigilan ng aktres na si Carla Abellana ang kanyang katahimikan matapos siyang tawaging hypocrite ng isang netizen matapos diumano ay edelete ni Carla ang kumento ng nasabing netizen.

“And my comment was removerd. Bakit? Takot ka mabasa na hypocrite ka. Wag ka magbait-baitan kasi hindi ka mabait,” sinabi ng netizen na ito kay Carla.

Photo credits: Carla Abellana | Youtube

Ang nasabing kumento ng netizen na ito na denelete ni Carla ay noong nagpost ang aktres last June 3 ng video sakanyang vlog.

Depensa ng aktres na kaya niya denelete ang kumento ng netizen ay dahil ayaw niya ng negativity.

Samantala isang netizen nanaman ang nagreply kay Carla at sinabi nitong, kung ayaw niya ng negativity ay bakit pa umano ito nagpost at sana ay pinagusapan nalang nila ito ng kanyang asawa ng maayos.

“Ayaw mo ng negativity, sana di ka nalang nag-like sa mga negative comments kay Tom.” reply ng isang netizen patungkol sa paglike ni Carla sa mga komento sa instagram sa pagiging cheater ng kanyang asawa.

Inamin naman ni Carla sa kanyang naging reply na kahit na nagustohan niya ang mga komento patungkol sa pagiging cheater ng kanyang asawa ay hindi niya naman pinagpatuloy ang paglike sa mga ito, ipinaliwanag din ng aktres na ang taong nasaktan ay minsan hirap na pigilan ang kanilang nararamdaman na galit.

Dahil sa mga kumentong ito, hindi na napigilan ni Carla na mag open up patungkol sa naranasan niya sa naging relasyon niya sakanyang asawa.

Narito ang buong kwento ni Carla,

“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid,” she said. “Kung sana hanggang du’n lang po, makakabangon din po ako balang-araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.”

“Wala po akong ibinigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-aasikaso, pag-protekta, lahat lahat na,” she pointed out. “Binigay ko po buong buhay ko sa kanya.”

“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang mga ginagawa niya. [Paulit-ulit] ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko,”

“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sa ‘kin. Galit, pride at ego ko siya na rin po ang kumuha sa ‘kin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa [pitong] taon,”

Photo credits: Carla Abellana | Youtube

Photo credits: Carla Abellana | Youtube

Sa mga ibinunyag ni Carla, masasabi talagang hindi lang emotinal na nasaktan ang aktres kundi nakatikim din ito ng physical na pananakit.

Ibinahagi din ni Carla na sinabihan niya ang kanyang asawa na kumonsulta sa isang propesyonal, ngunit ayon sa aktres hindi din ito nakatulong noong huli dahil walang nagbago kay Tom.

Ipinaliwanag naman ni Carla sa mga netizens na hindi siya masamang tao tulad ng mga maling kumakalat na impormasyon sa social media at sa ibang online platforms,

“Hindi po ako masamang tao tulad ng sinasabi, nararamdaman, naririnig at nakikita po ninyo online, sa TV, etc.,”

Photo credits: google.com

Matatandaan na nagpakasal si Carla at Tom last year October 2021, ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay umuggong ang balitang nagkakalabuan ang dalawa matapos iunfollow ng dalawa ang isat-isa sa kanilang mga instagram account.

 

 

error: Content is protected !!