Connect with us

Entertainment

“Napakatagal kong hinintay ito”, Aktres na Si Angelica Panganiban Bakas ang Kasiyahan Ngayon na Siya ay Magiging Isang Ina Na

Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ng aktres na si Angelica Panganiban ngayon, ito ay matapos nga niyang malaman na ang matagal na niyang hinihintay at pangarap sa kanyang buhay ay natupad na, at ito ay pagiging isa niyang ina.

“Napakatagal kong hinintay ito”, ito nga ang mga salitang binitawan ni Angelica ng maitanong sa kanya kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon na siya ay nagdadalang-tao na.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na si Angelica Panganiban o Angge, ay isa sa mga aktres sa mundo ng showbiz na matagal ng pinapangarap ang magkaroon ng kanyang sariling pamilya, lalo na ang magkaroon ng anak.

Ang kanyang buhay ay tunay na naging bukas sa publiko, magmula nga sa kanyang pag-aartista at maging sa mga buhay pag-ibig niya.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Batid ng marami niyang mga tagahanga ang maraming kasawian sa pag-ibig na kanyang naranasan, at tunay na siya’y hinahangaan ng mga tagahanga at tagasuporta niya dahil sa kabila ng maraming beses niyang pagkabigo sa pag-ibig ay nanatili naman positibo sa buhay niya si Angge.

Hanggang sa kamakailan nga lamang ay kanya ngang ibahagi na sa kasalukuyan ay masaya ang buhay pag-ibig niya sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Samantala, nito lamang nga nakaraan ay sinorpresa naman niya ang publiko ng ibahagi niya na sila ni Gregg ay magkakaroon na ng anak. Masayang-masaya na ibinahagi ni Angge sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News ang kanyang pregnancy journey, at kung paano ba niya nalaman na siya ay nga ay nagdadalang-tao na.

“Nalaman ko siya na hindi namin ine-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng lock-in taping para sa My Papa Pi, kasama si Papa Pi (Piolo Pascual). And then delayed lang talaga ang period ko. So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali.”, ani Angge.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Ayon nga sa aktres, nalaman niya ang tungkol sa kanyang positibong pagbubuntis noong siya ay nasa lock-in taping na para sa magiging bago niyang proyekto na My Papa Pi kung saan makakasama niya ang aktor na si Piolo Pascual.

Dagdag na saad pa niya, halos hindi siya makapaniwala, lalo na’t parang imposible naman na ang pagiging buntis ang dahilan ng pagka-delay ng period niya, dahil nga sa ilang beses na nga nilang sinubukan ng partner niyang si Greg ang mabuntis siya ngunit lagi nga umanong negatibo ang resulta. Ayaw din niya umano umasa ma buntis siya, dahil nga sa baka ma-heartbroken na naman siya.

“Sa isip-isip ko naman parang imposible kasi we’ve been trying kaya lang lagi namang negative ang result. So parang ayaw ko na ma-heartbroken. So parang ‘hindi feeling ko darating ‘yung period ko”, ani ng aktres.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Nang tanungin naman si Angge, kung ano ba ang una niyang ginawa ng malaman niyang siya ay buntis, ay sinabi nga niyang nag-panic siya at agad na tinawagan ang kanyang doktor at ang Star Magic, ito ay dahil nga sa may proyekto siya dapat na gagawin.

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Angge sa management ng proyektong dapat na gagawin niya dahil sa gratitude ng mga ito, at sa pagpayag ng mga ito na bitawan niya ang gagawing proyekto upang mas bigyang pansin at pokus ang pagbubuntis niya.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Ibinahagi rin ng aktres ang naging reaksyon ng partner niyang si Gregg ng ibahagi niya rito ang magandang balita. Saad ni Angge hindi umano napigilan ni Gregg ang maging emosyonal sa labis na kasiyahan ng malaman nito na magkakaroon na sila ng panganay na anak.

Hindi naman maitago ni Angge ang excitement niya na gampanan ang pagiging isang ina, at ayon nga sa kanya ay talagang pinaghahandaan na nila ng partner niyang si Gregg ang pagdating sa kanilang buhay ng magiging una nilang supling.

Photo credits: Angelica Panganiban |IG

Matatatandaan na inanunsyo ni Angelica sa publiko ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanyang Instagram account ng tila isang maternity photo shoot, kung saan ay ibinida niya larawan ng kanyang sonogram. Agad namang bumuhos ang maraming ‘congratulatory message’ para kay Angge, mula sa mga fans niya at kaibigan sa mundo ng showbiz.

error: Content is protected !!