Connect with us

Entertainment

Napakagandang Private Beach Resort Ng Aktor Na Si Gerald Anderson Sa Zambales Malapit Ng Makumpleto

Published

on

Isa ang aktor na si Gerald Anderson sa mga produkto ng reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Noong Abril 23, 2006 ay ipinakilala si Gerald bilang isa sa mga housemates para sa unang teen edition ng nasabing programa. Dito ay napabilang siya sa top contenders at pinangalanan bilang Third Big Placer.




Pagkalabas niya sa Bahay ni Kuya ay agad din naman nabigyan ng break sa showbiz kasama ang kanyang dating onscreen at real-life girlfriend na si Kim Chiu. Nagsama ang dalawa sa ilang mga TV series sa Kapamilya network gaya ng Love Spell and Aalog-Alog maging sa ilang mga pelikula.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Ngayon nga na hindi gaanong active sa telebisyon si Gerald dahil na rin sa community quarantine ay sumabak na rin ito sa paggawa ng vlog.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Sa kanyang YouTube channel na ngayon ay mayroon ng 5k subscribers ay una niya na tayong binigyan pasilip sa kanyang private beach resort sa Zambales na kasalukuyan ay under construction pa nga.

Sa inupload niyang 17-minute-video noong Hunyo 19 ay bumiyahe ang aktor kasama ang dalawa nitong kaibigan para sa sa isang misyon na maghatid ng konting tulong sa mga ilang frontliners na naka base sa Zambales, sa mga kapulisan at maging sa mga Philippine Coast Guard na naka-istasyon doon.




Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Isa pa nga sa kanyang nais ay ang bisitahin ang kanyang ama na ilang buwan niyang hindi nadadalaw dahil na rin sa lockdown. Kasabay nito ay nagbigay din siya ng small tour sa kanyang private beach resort na para sa aktor ay kung saan matatagpuan ang “Best sunset in the world.” Dito na di umano nag stay ang kanyang Amerikanong ama sa loob ng halos 2 buwan dahil na rin sa community quarantine.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Ayon pa sa aktor, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng beach front lot at dito na nga niya nahanap ito kaya naman napakasaya niya sa nabiling property.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube

Una niyang nilibot ang lugar kung saan kasalukuyang nagpapagawa ang ama ng kanyang bahay isang duplex type na may maliit na garden sa harapan. Dahil kilalang basketball enthusiast si Gerald, isa sa unang pinagawa nito ay ang basketball court na mayroon ding ilang mga kagamitan na pang ehersisyo. Plano rin kasi niya na magtayo ng maliit na open gym sa naturang lugar.

Photo credits: Gerald Anderson | Youtube




Ipinasilip din ni Gerald ang ilan pang mga A-frame na kubo, cabin at mga cottage maging ang common restroom at reception area. Sa tabi nito ay mayroon isang bar na pwedeng gawin event place para sa mga guest. Naisip din daw kasi niya na maari niya itong parentahan sa publiko sa hinaharap.

Syempre hindi mawawala ang kanyang pool area kung saan tanaw ang napakagandang sunset. Sa harap nito ay nagpapagawa din ang aktor ng isang glass house na ayon sa kanya ay plano niyang gawing private spot niya kung maging open sa public ang kanyang beach resort.

Sa huling bahagi ng video ay nagpahayag ang aktor na dito siya nagpapahinga at nagre-recharge dahil talaga naman nakakarelax ng buong katawan at isipan ang view dito.

error: Content is protected !!