Connect with us

Entertainment

Napakagandang Larawan ni Zia na Nagmistulang Isang Dalaga, Hinangaan ng mga Netizens, Itsura ng kanyang Ina Kuhang Kuha ni Zia

Hindi napigilan ng mga netizens na humanga sa napakagandang larawan ng anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia Dantes na nagmistulang isang dalaga sa sobrang ganda.

Ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay isa sa mga celebrity couples sa showbiz na talagang hinahangaan, hindi lamang dahil sa kanilang masaya at matibay na pagsasama, kundi dahil na rin sa pagkakaroon nila ng gwapo at magandang anak.

Ikinasal ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong at Marian noong December 30, 2014. At ang kanilang matamis at puno ng pagmamahalang pagsasama, ngayon nga ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Maria Letizia o Zia at Jose Sixto IV o Ziggy.

Hindi naman maikakaila na sa murang edad ng mga anak nina Dingdong at Marian, ay agad na nilang nabihag ang puso ng publiko. Sa ka-cutan at taglay naman talagang talento ng mga batang ito, ay marami ang humahanga.

At kamakailan lamang nga, ay pinag-usapan sa social media ang panganay na anak ng mag-asawa na si Zia matapos ibahagi ni Marian ang napakagandang kuha ng larawan nito.

Photo credits: marianrivera | IG

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Marian ang larawan ng napakaganda niyang anak na si Zia. Ang napakaganda at maamong mukha ni Zia na namana niya sa kanyang inang si Marian, ay hinangaan ng maraming netizen. Tila napakabilis naman ng paglipas ng panahon dahil malaki na ngayon ang panganay na anak nina Dingdong at Marian. Makikita kasi sa naturang larawan na sa murang edad ni Zia, ay nagmistula itong isang dalaga sa taglay na ganda at awra nito habang nakaharap sa camera.

Photo credits: marianrivera | IG

Kahit nga, limang taong gulang pa lamang si Zia, ay hindi aakalain na bata pa lamang ito, dahil tila nga naging isang dalaga ito sa kanyang ayos at awra. Ang mga larawan ni Zia, ay kuha sa behind the scenes ng ginawa nilang pictorial ng kanyang ina, na ayon nga kay Marian ay playtime nilang mag-ina.

Caption naman ni Marian sa kanyang post, ay namana umano ni Zia ang kakulitan niya, kung saan nga ay nakunan sa behind the scenes ng ginawa nilang pictorial.

“IG post vs What happens behind the scenes. Playtime with Ate Z! Eh yung nakuha nya yung kakulitan ko!”

Makikita naman nga sa mga larawan na may maayos na kuha, at nakunan rin ang kakulitan Zia. At sadyang napakaganda naman talaga ng batang ito, kahit pa naka-wacky face.

Samantala, inulan naman ng komento mula sa mga netizens ang naturang IG post ni Marian kung saan ipinaabot ng mga ito ang kanailang paghanga sa napakagandang si Zia.

“Shocks!!! Dalaga na”

“Hands up… Inubos na ng lahi niyo lahat kagandahan sa mundo”

“Growing up so fast. GANDA Z”

“Dalagang maliit na yarn”

“Laki na ni Ate Z! Napakaganda at napaka-coolit! Manang mana sa mommy.”

error: Content is protected !!