Connect with us

Entertainment

Napakagandang Larawan Ni Gloria Romero Noong Dalaga Pa Siya, Hinangaan Ng Mga Netizens

Kamakailan lamang ay agaw pansin sa social media ang lumang larawan ng award-winning actress na si Gloria Romero. Sa lumang larawan kasi ay masisilayan ang kanyang natatanging kagandahan noong dalaga pa lamang siya.

Photo credits to the owner

At matapos masilayan ng mga netizens ang taglay na kahanga-hangang kagandahan ni Ms. Gloria ay umani ito ng mga komentong puno ng paghanga at papuri.

“Ang lola namin, ang pinaka magandang babae sa television n nkita ko noon at hanggang ngayon… DAIG KAYO NG LOLA KO.”

“Wala parin kupas ang iyong kagandahan Ms. Gloria, parang lola ko lang hanggang ngayon buhay pa siya at anlakas lakas pa at syempre maganda padin loveyou lolaq.”

Photo credits to the owner

Si Ms. Gloria Romero ay nagsimula sa kanyang karera sa showbiz noong 1952, at siya nga ay halos 60 taon nang nasa industriya. Sa dami ng kanyang nagawang proyekto at pelikula ay hindi naman na nakapagtataka na ang kanyang husay ang nagdala sa kanya bilang isang award-winning actress.

Nadiskubre siya sa showbiz matapos maging extra sa pelikulang “Ang Bahay Sa Lumang Gulod” noong 1949. At ito na nga ang kanyang naging daan para pumirma ng kontrata sa Sampaguita Pictures. Dito na nga nagsimulang mamayagpag ng kanyang karera sa showbiz kung saan ay agad na tinangkilik ng publiko ang kanyang husay sa pag-arte, pati na rin ang kanyang natatanging kagandahan.

Photo credits to the owner

Magmula 1950 hanggang 1960 ay nagsunod-sunod ang naging pelikula ni Ms. Gloria kung saan pinatunayan niya ang kanyang husay sa pag-arte dahilan nga kung bakit siya binansagang “Queen of Philippine Movies”.

Samantala, sa pagdaan naman ng panahon na mababakas parin sa 88 taong gulang na aktres ang kanyang walang kupas na kagandahan. Hindi naman na ito nakapagtataka dahil ang kanyang inang si Mary Borrego Miller ay may dugong Spanish-American. Ang kanyang ama naman na si Pedro Galla ay may dugong Pinoy. Kaya naman, ang napakagandang katangian ng kanyang mga magulang ay hindi maikakaila na kanyang namana.

Photo credits to the owner

Ikinasal naman si Ms. Gloria sa kanyang asawang si Juancho Gutierrez kung saan ang kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng dalawang anak. Sila ay sina Maritess Gutierrez at Christopher Gutierrez.

Pagdating naman sa karera ni Ms. Gloria ay anim na dekada na niyang pinapahanga ang mga manonood sa kanyang husay sa pag-arte. Sa katunayan nga nito, ay ilang ulit na siyang pinarangalang bilang isang mahusay na aktres. Isa na mga rito ang pagiging Best Actress noong 1954 sa Sampaguita Pictures sa pelikulang “Dalagang Ilocana.” Naparangalan rin siyang Best Actress sa pelikulang ‘Rainbow Sunset’ noong 2018.

Photo credits to the owner

Kahit nga may edad na ay talagang hindi siya nawala sa industriya ng showbiz, at huli nga nating napanood si Ms. Gloria sa sit-com ng GMA Network na Daig Kayo ng Lola Ko bilang si Lola Goreng.

error: Content is protected !!