Connect with us

Entertainment

Napakagandang Anak Nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, Nagdiwang ng 17th Birthday, Jayda, Dalagang-dalaga na

Published

on

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay maituturing na isang biyaya mula sa Maykapal sa pagkakaloob Niya ng panibagong buhay sa atin. Isa rin itong paraan ng pagpapasalamat sa pagkakaroon ng maayos na buhay, maayos na kalusugan at ligtas sa kapahamakan sa nakaraang taon. Kaya naman, anuman ang krisis na ating kinakaharap ay gumagawa tayo ng paraan upang maging masaya at makulay ang ating kaarawan.

Kagaya na lamang ni Jayda, ang napakagandang anak ng mga mang-aawit na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na hindi napigilan ng pandemic at krisis ang kanyang selebrasyon ng 17th Birthday. Bagama’t, bawal ang napakaraming bisita at magarbong handaan ngayong panahon ng quarantine, nagawa pa rin nilang maging masaya at makabuluhan ang kaarawan ni Jayda. Pamilya pa lamang ni Jayda ay sapat na upang magbigay sa kanya ng kaligayahan.




Hindi nga matatawarang kaligayahan ang nadarama ni Jayda at napakaganda ng kanyang gising noong unang araw ng Hunyo, dahil sa surpresang inihanda ng kanyang pamilya para sa kanyang kaarawan.

“woke up to this amazing surprise! 😁 thank you to my family, to bebe & lau, ninong herbie and tito bob for setting this up in the wee hours of morning just to really make me feel special on my birthday! y’all didn’t have to, especially with today’s circumstances, but you did, and for that i’m so grateful 🙏🏻 #qu@rantinebirthday #17,” saad ng IG post ni Jayda na punong puno ng pasasalamat.




Makikita sa mga larawang ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram, ang ngiti sa kanyang mga labi. Mayroon ring handang pagkain, kitang-kita rin magandang disenyo para sa kanyang selebrasyon sa kanilang background.

Makikita rin ang isang malaking stuffed toy na teddy bear na tiyak na regalo sa kanya ng kanyang mga magulang.

Talaga nga namang hindi maitago ang saya ng dalaga sa kanyang kaarawan. Hindi naman maitatanggi na dalagang-dalaga na si Jayda sa edad na 17 taong gulang at napakaganda pa niya na nagmana sa kanyang ina. Ngunit, hindi lamang magandang katangian ang namana niya sa mga magulang, kundi maging ang talento ng mga ito sa pag-awit, na ngayon ay nahahasa pang lalo ng dalaga.




Napakapalad nga namang talaga ni Jayda sa pagkakaroon ng mga magulang na gaya nina Jessa at Dingdong na kung saan ay mahal na mahal siya. Ngunit, mapalad rin ang mga ito kay Jayda na ginagawa naman ang lahat para maging isang mabuting anak.

error: Content is protected !!