Connect with us

Entertainment

Napakaganda at Napakaseksing Beach Photo ni Marian Rivera, Ibinahagi niya sa Social Media, OOTD Swimsuit Attire nya Aabot ng Mahigit Kumulang Php 40,000

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Kahit nga may dalawang anak na sila ng kanyang asawang si Dingdong Dantes, ay tila hindi kumukupas ang kanyang taglay na kagandahan.

At kamakailan lamang nga, ay muling pinagkaguluhan si Marian matapos ibahagi ang kanyang napakaganda at napakaseksing beach photo na kuha sa bakasyon ng kanilang pamilya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi niya ang larawan kung saan makikitang nakasuot siya ng one-piece Dior swimsuit na may disenyong V neck at crisscross back straps. Sa sobrang ganda nga ni Marian ay hindi napigilan ng ilan niyang kaibigan sa showbiz na sina Mariel Rodriguez at Ciara Sotto na humanga, at inilarawan pa siya sa mga salitang “Perfection”.

Makikita sa kanyang swimsuit photos na talagang napaka-fresh ng kanyang awra at masisilayan rin ang makinis at maputi niyang balat. Ang nasabing larawan ay nilakipan naman niya ito ng caption na:

“Recharged thanks to mother nature. Happy Friday!” she said. “P.S–I’m back!”

Samantala, ang kanyang napakagandang swimsuit na available sa blue at gray, ngayon nga ay out of stock na. Hindi naman biro ang halaga ng nasabing swimsuit na suot ni Marian. At ayon sa website ng nasabing brand, nagkakahalaga ito ng $660 (or PHP 31,534.80).

Binagayan naman niya ito ng high-domed Lamé papier hat Gucci. Ito naman ay gawa sa shiny lamé threads, at grosgrain band na may bow with metal bee na disenyo. At ayon sa website nito, ang Italian luxury brand nito ay maaaring ibenta ng $510 o nagkakahalaga ng PHP24,367.

Mas lalo namang gumanda si Marian sa suot nitong gold necklace. Ito ay ang kanyang paboritong Vintage Alhambra pendant Mula sa French luxury jewelry and watch brand Van Cleef & Arpels na nagkakahalaga ng $3,550 o PHP169,619. Ang isa rin ito sa paborito ni Maria Carey na may koleksyon pa, na tulad ni Marian ay may “agate and mother-of-pearl” at may version rin ng several four-leaf clovers.

Maliban sa kahanga-hangang beach photo ni Maria , ay nagbahagi rin siya sa hiwalay na post ng isa pang larawan kung saan nakasuot naman ng Carberry top at cedar shorts mula sa clothing brand na Yoya. Ang napakagandang OOTD na ito ni Marian ay nagkakahalaga naman ng PHP6,595.00.

Matapos namang masilayan ang napakaganda at napakaseksing beach photo ni Marian, ay inulan ito ng paghanga at papuri mula sa mga netizens.

Komento nga ni Vice Ganda sa kanyang post,“Vyurifulzzzzz!!!”

Marami naman ang nagsabing napakakinis at napakaputi ng kanyang kili-kili.

Saad nga ng fan page,“Your armpit is brighter than my future.”

Tunay nga na ang kagandahan ni Marian, ay hindi kumukupas bagkus ay mas lalong pang gumaganda dahilan lamang para mas lalo siyang hangaan ng publiko.

error: Content is protected !!