Connect with us

Entertainment

Napakacute Na Si Scarlett Kramer, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang Ika-10th Birthday

Hindi nga nakaligtaan ng mag-asawang sina Chesca Garcia at Doug Kramer na ipagdiwang ang araw na kapanganakan ng kanilang pangalawang anak na si Scarlett Kramer.

At nito lamang ika-28 ng Nobyembre ay nagkaroon ng simple ngunit masayang selebrasyon para sa ika-10th birthday ni Scarlett sa loob ng kanilang tahanan.

Ang espesyal na araw na ito ni Scarlett, ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. Sa Instagram ay ipinasilip ni Doug ang naganap na masayang selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan. Makikita nga sa mukha ng bawat isa ang saya habang ipinagdiriwang ang kaarawan ni Scarlett. Masisilayan sa mga larawan na isang “We Bare Bears-themed birthday party ang inihanda ng celebrity couple para sa kanilang pangalawang anak. Ayon naman kay Doug ay talagang excited na si Scarlett sa pagsapit ng kanyang birthday.

“Scarlett’s bday home setup. She’s been so excited for this for many months! Just glad cases have gone down so we would be able to invite loved ones over to celebrate with her,”pahayag ni Doug.

“To our fierce, beautiful and charming baby girl, happy 10th birthday Scarlett! Forever our baby doll!,”dagdag pa nito.

Nagbahagi rin ng isang video clip si Doug kung saan naman masisilayan ang mga larawan ng milestone ni Scarlett magmula noong isang taong gulang pa lamang ito hanggang sa kasalukuyan na sampong taong gulang na. Nilakipan naman ito ng former PBA star ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang anak na puno ng pagmamahal.

“1-10 in a blink of an eye!. Scarlett, I hope today will be a little reminder of how much your whole family loves you! We’re so blessed to have witnessed your growth year by year.”

“There’s so much in store for you, and I truly believe God has special plans for you, because you constantly show how much you love Him. I love you, Scarlett!”

Hindi naman nagpahuli si Chesca na ipaabot ang kanyang pagbati para sa kaarawan ng kanilang Scarlett Doll. Sa Instagram ay ibinahagi niya ang isang video clip na kuha sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Scarlett. At sa nasabing post ay sinabi niyang wala nang sasaya pa para sa kanila ng kanyang asawang si Doug na makitang masaya sa pagdiriwang ng kanyang birthday si Scarlett.

Sa hiwalay namang post kung saan ibinahagi ni Chesca ang napakacute na larawan ni Scarlett ay nagbigay naman siya ng sampung dahilan kung bakit hindi siya nagsasawang mahalin ng paulit ulit ang kanyang anak. At bilang isang ina nga, ay mahal na mahal ni Chesca ang kanyang anak, kung saan para sa kanya, ito ang kanyang “perfect 10”.

“Here is 1… Sweet faced with a darling little voice. But don’t be fooled there’s a lion’s heart inside of you. Tough and ready to roar.”

“Number 2 is your irresistible charm that’s got me right at the palm of your hand. Everything that you do makes mommy so crazy in love with you.”

“Number 3, I love how caring and thoughtful you are. You always put others first before yourself. And, when someone is sick you willingly take care and never forget to check on that person.”

“Number 4, you’re protective of your family, and loyal to the very core of your being.”

“Number 5, you’re motherly. Loving, helpful, supportive, and also authoritative.”

“Number 6, you’re an old soul who loves writing poems about Jesus and his love, family, and nature.”

“Number 7, I love how you’re not easily swayed. You’re principled and hold your convictions firmly.”

“Number 8, I love how you love us and it’s seen on the everyday service you show us. Be it baking for us, asking if we need anything, helping mommy organize and so much more.”

“Number 9, you’re a fighter! You never give up and you always challenge yourself to be better.”

“Number 10, I love how you’re growing in your walk with God. Your understanding of Him that is seen through your own Psalms book you wrote. I don’t know where your words and thoughts come from but you teach me so much.”

“I hope you know how much we all love you. You’re one of a kind my Doll. You’re special! I love you more than what love means! You’re my perfect 10!!! Happy Birthday Scarlett Louvelle!!! You’re my squishy, softy, mochie cheeks!”

Sina Chesca at Doug ay 18 na taon nang kapiling ang isa’t isa. 13 taon nga rito, ay ang masaya nilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang kanilang matamis na pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak. Maliban kay Scarlett, ay may dalawa pang anak ang celebrity couple, ang panganay na si Kendra at bunsong si Gavin.

error: Content is protected !!