Connect with us

Entertainment

Napakacute na Larawan ng Magpinsang Dahlia Amelie at Thylane Katana sa Kanilang Bakasyon sa Boracay, Kinagiliwan ng mga Netizens

Hindi naman talaga nakakasawang pagmasdan ang maamo at napakacute na mukha ng mga celebrity baby sa showbiz. At tulad nga ng kanilang mga magulang, ay talagang marami na silang mga tagahanga na nakaabang sa kanilang milestone mula sa pagkababy hanggang sa kanilang paglaki.




Ang magpinsang Dahlia Amelie at Thylane Katana nga ay hindi magpapahuli sa kanilang kacutan na talagang kinagigiliwan ng mga netizens. Si Baby Dahlia ay anak ni Anne Curtis at chef-vlogger na si Erwan Heussaff. Samantalang si Baby Thylane, ay anak naman ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff sa asawa nitong si Nico Bolzico.

Photo Credits: Erwen Heussaff | IG

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG

Matatandaan na nakabalik na sa bansa ang pamilya ni Anne galing sa Australia. Kaya naman, talagang sinulit nila ang bawat bakasyon kasama ang kanilang pamilya. Nito lamang weekend, ay nagtungo si Anne, Solenn at Erwan kasama ang magpinsang Dahlia at Thylane sa Boracay upang magbakasyon.

Photo Credits: Solenn Heussaff | IG




Isa nga sa nagbigay saya at kulay sa kanilang bakasyon sa napakagandang isla ng Boracay, ay ang cute nilang mga anak na sina Dahlia at Thylane. Sa isang larawan na ibinahagi ni Anne sa Instagram, makikita ang cute na larawan ng magpinsan habang nakaupo sa dalampasigan na naaabot ng alon na naglalaro. Nakakatuwa ring pagmasdan ang dalawang bata sa suot nilang twinning swimsuit.

Photo Credits: Anne Curtis | IG

Nilakipan naman ito ni Anne ng caption na:

“Cuzzies and besties for life.”

Samantala, ang aktres naman na si Solenn ay nagbahagi rin ng larawan niilang dalawa ni Anne kasama ang magpinsang sina Dahlia at Thylane habang nasa beach. Makikita sa larawan na nakasuot rin ng swimsuit sina Anne at Solenn na tila ba hindi nanganak sa ganda ng kanilang katawan kung saan ay masisilayan parin ang kaseksihan.

“Best days at the beach with the family. Looking forward to the next one!,”caption ni Solenn sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Matatandaan na nito lamang nakaraang buwan ng Pebrero unang nagkita ang magpinsang Dahlia at Thylane. At makikita na talagang malapit na ang mga ito sa isa’t isa.




Photo Credits: Cynthia Heussaff | IG

Photo Credits: Cynthia Heussaff | IG

Si Dahlia ay isang taong gulang na noong Marso 2, na isinilang ni Anne noong taong 2020 sa Australia. Samantalang si Thylane naman, ay nag-isang taon na rin noong Enero, na isinilang ni Solenn noong nakaraang taon via C-section.

error: Content is protected !!