Connect with us

Entertainment

Napakacute na Baby Girl at Sample Princess Ni Jhong Hilario na si Baby Sarina, 4 Months Old Na

abySa matulin na paglipas ng panahon, ay siya ring mabilis na paglaki ng anak ng aktor at TV host na si Jhong Hilario at ng kanyang partner na si Maia Azores.

Credit: Jhong Hilario | Instagram

Noong ika-27 ng Marso 2021 nang isilang ni Maia ang anak nila ng Sample King na si Jhong Hilario. Ang nakapacute na baby girl na ngayon pa lang ay binansagan ng Sample Princess ay pinangalanan nilang Sarina.

Hindi naman maikakaila na tila dumadaan lamang ang mga oras, dahil nitong ika-27 ng Hulyo, ang dating maliit at bagong silang na sanggol, ngayon nga ay 4 months old na.

At para sa milestone na ito ni Baby Sarina ay hindi naman nakaligtaan ng It’s Showtime host na batiin ang kanyang baby girl para sa monthly celebration nito. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Jhong ang kuha ng mga larawan ng kanilang masayang bonding sa kanilang bakasyon sa isang beach.

Credit: Jhong Hilario | Instagram

Sa Instagram post na ito ni Jhong, ay bida ang kanyang napakacute na anak na si Baby Sarina kung saan nga ay nagdiriwang ng kanyang ika-4 na buwang kaarawan. Nilakipan naman ito ni Jhong ng simpleng caption na:

“Happy 4 months my Princess”

Credit: Jhong Hilario | Instagram

Makikita naman sa mga larawan ang masayang bonding moments ng mag-amang Jhong at Baby Sarina. Sa isang larawan nga, ay makikitang hawak-hawak ni Jhong si Baby Sarina habang nakaangat sa ere at kinagigiliwan. May larawan namang kuha habang karga-karga ni Jhong si Baby Sarina at makikita sa munting bata ang napakacute at nakakagigil nitong mukha na tila giliw na giliw habang karga ng kanyang ama.

Sa isang larawan naman ay masisilayan ang masayang pamilya ni Jhong habang sila’y nasa pool kasama ang kanyang partner na si Maia at Baby Sarina. Tila nga, enjoy na enjoy si Baby Sarina sa kanilang bonding moments habang nakalubog ang mga paa sa tubig at inaalalayan ng kanyang mga magulang.

Credit: Jhong Hilario | Instagram

Kitang-kita naman kung gaano kasaya si Jhong bilang isang ama sa kanyang baby girl. Tila nga, hindi pinapalampas ni Daddy Jhong ang bawat sandali para makasama at masaksihan ang bawat milestone ng kanyang anak.

Samantala, inulan naman ng pagbati mula sa mga kaibigan ni Jhong sa showbiz ang kanyang post para kay Baby Sarina. Ilan nga sa mga ito ay talagang pinanggigilan ang kakyutan ng Sample Princess.

Credit: Jhong Hilario | Instagram

Nitong nakaraang Hunyo nang ibahagi ni Jhong sa social media ang simpleng selebrasyon ng baptismal ni Baby Sarina na cute na cute sa suot nitong white baptismal dress.

Magmula naman nang dumating si Baby Sarina sa buhay ng Sample King, ay pinatunayan nga nito na isa siyang mabuti at hands-on dad sa kanyang anak. At kitang-kita naman sa social media na talagang proud na proud si Jhong bilang isang ama kung saan nga ay madalas niyang ibida ang ka-cutan at milestone ni Baby Sarina.

error: Content is protected !!