Connect with us

Entertainment

Napakacute Na Anak Nina Solenn Heussaff At Nico Bolzico Na Si Thylane, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 2nd Birthday Sa France

Ang pagdiriwang ng New Year ay double celebration para sa pamilya ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Ito nga ay dahil sa mismong araw pagdiriwang ng New Year ay ipinagdiriwang rin ang kaarawan ng kanilang anak na si Thylane.

Photo credits to the owner

Napakaespesyal naman talaga ng pagdiriwang ng kaarawan ni Thylane na ngayon nga ay dalawang taong gulang na. At para sa 2nd birthday ni Thylane ay isang masayang selebrasyon sa France ang naganap kung saan ay nakasama rin ng kanilang pamilya ang iba pa nilang mga mahal sa buhay. Katulad na lamang nga nina Erwan Heussaff, Anne Curtis at si Baby Dahlia.

Photo credits to the owner

Hindi naman nakalimutan ni Solenn ang ipaabot ang kanyang sweet na pagbati sa kanyang anak. Sa Instagram ay ibinahagi ni Solenn ang larawan ng kanyang pamilya, at sa caption nga nito nakasaad ang kanyang nakakaaantig na pagbati para sa kaarawan ni Thylane.

“Happy birthday to the love of my life. You have made these past 2 years the best of my life. All I want in life is for you to be happy. Shine bright baby girl.”

Photo credits to the owner

Sa hiwalay namang post ay pinasalamatan naman ni Solenn ang muling pagkakasama ng kanilang pamilya para masayang ipagdiwang ang New Year.

“Celebrating the New Year in this beautiful chalet with the family. So good to all be together after 2 years. Have faith for a kinder 2022 to everyone out there. Always lend a helping hand when you can, be kind, laugh when you need to laugh, cry when you need to cry, be thankful. Loads of love from the Heussaff- Bolzicos.”

Samantala, sa isa namang Instagram post, ay ipinaabot rin ni Nico ang kanyang pagbati para sa kaarawan ni Thylane kalakip ang cute nitong larawan. At hindi naman maikakaila na talagang sweet na sweet si Nico sa kanyang anak sa mensahe nito.

Photo credits to the owner

“Happy Birthday to the one that made us a family! The love of our lives! Keep smiling and being happy, stay humble and kind to others, be yourself and only yourself! Mama and #ElPadre love you and we will always be there to guide you when you need it!”

Matatandaan naman na isinilang ni Solenn ang napakacute na baby girl na si Thylane Katana noong January 1, 2020. At sa mismong New Year’s Eve ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ng kanilang panganay na anak sa St. Luke’s Medical Center. Sa pagdating ni Thylane sa kanilang buhay, ay ito na nga ang bumuo ng kanilang masayang pamilya.

Photo credits to the owner

Makikita sa social media ng mag-asawang Solenn at Nico na ang kanilang atensyon nga ay nakatuon kay Thylane kung saan nga ay hindi sila nagkukulang sa pag-aalaga at pagbibigay ng pagmamahal bilang mga magulang sa kanilang anak.

error: Content is protected !!