Connect with us

Entertainment

Napakacute Na Anak Nina McCoy De Leon at Elisse Joson Na Si Baby Felize, Kinagigiliwan Ngayon Sa Social Media

Sa pagdating ng panganay na anak nina McCoy De Leon at Elisse Joson na si Baby Felize McLisse ay nadagdagan na naman ang mga kinagigiliwang celebrity babies sa showbiz.

Nito lamang ika-2 ng Nobyembre, araw ng Martes, ay talagang agaw pansin ang napakacute na si Baby Felize matapos ibinahagi ni Elisse sa social media ang kanilang kauna-unahang official family photo. Ang kanilang napakagandang larawan ay binigyang katuparan ng Metro Photo. At sa mga larawan nga ay masisilayan ang masayang ngiti ng kanilang pamilya. Sadyang napakacute at matamis rin ang ngiting hatid ni Baby Felize habang nakaharap sa camera.

Simpleng caption man ang inilakip ni Elisse sa kanyang post ay nakatuon parin ang pansin nito kay Baby Felize na nagsasabing:

“Happy Baby”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Hindi nga nakaligtas sa kanilang mga tagahanga ang napakaganda nilang family photo, lalo na ang nag-uumapaw na kacutan ni Baby Felize at agad nga itong dinagsa ng komento. Marami rin sa mga kaibigan sa showbiz nina Elisse at McCoy ang tuwang-tuwa at pinanggigilan ang kacutan ni Baby Felize.

“She’s so cute!!!!”, komento niSofia Andres.

“Pakurot ako ateeee,” gigil naman ng aktres na si Maymay Entrata.

“Can I die of cuteness,” saad ni Isabelle Daza.

“Super cuuuuute!!! Gigil,” ayon naman kay Jane Oineza.

Nagbigay rin ng kanilang komento na puno ng paghanga sina Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, Vivoree Esclito, Kristel Fulgar, Joj Agpangan, Melissa Ricks, Sunshine Garcia, Rufa Mae Quinto, DJ Chacha, at Coraleen Waddell.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Matatandaan na nito lamang ika-31 ng Oktubre ng isapubliko nina Elisse at McCoy ang pagkakaroon nila ng anak. At ito nga ay naganap nang mag-guest sila sa episode ng reality show na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, kung saan ay tinanong nila si “Kuya” kung pwede ba itong maging Ninong sa kanilang baby girl.

“Actually, kuya, may gusto kaming itanong sa inyo,” saad ni Elisse.
“Pwede po ba namin kayong gawing ninong sa anak namin?,”tanong ni McCoy.

“Kuya, uhm, kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,”pagbubunyag naman ni Elisse.

Ang matamis na pag-iibigan nina Elisse at McCoy ay nagsimulang umusbong sa loob ng bahay ni Kuya matapos nilang maging housemates ng Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2016. At ang kanilang tambalan na tinawag na “McLisse” ay talaga namang naghatid ng kilig sa mga manonood. Pagsapit naman ng taong 2018, ay napabalita ang kanilang paghihiwalay. Ngunit, nitong nakaraang buwan ng Hunyo ay kinumpirma ng magkasintahan na sila’y nagkabalikan isang taon matapos nilang magkahiwalay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Samantala, matapos namang ibunyag sa publiko ang kanilang rebelasyon na pagkakaroon ng isang napakacute na baby girl, ay ibinahagi naman ni Elisse sa kanyang Instagram account ang isang nakakaantig at puno ng pagmamahal na mensahe para kay Baby Felize.

“Life was uncertain before you came. I didn’t know which path to take, the choices to make. I didn’t know what to be, what I want to be. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.”

“I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you. Our greatest blessing, in our lives.”

error: Content is protected !!