Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak nina Carlo Aquino at Trina Candaza na si Baby Elona Mithi, One Month Old Na

Tila kaybilis naman talaga ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lang nang gulatin ng aktor na si Carlo Aquino ang publiko sa pagkakaroon niya ng anak sa kasintahang si Trina Candaza. At noong ika-8 ng Setyembre, mismong araw na nanganak ang kasintahan ng aktor, nabunyag nga na isa na siyang ganap na ama sa isang napakacute na baby girl na pinangalanan nilang Elona Mithi.

Isang buwan na nga ang nakalipas, at nito lamang ika-8 ng Octubre, ay masayang ipinagdiwang ng magkasintahan ang 1st month birthday ni Baby Elona. Sa Instagram ng lovely couple, ay masaya nilang ibinahagi ang napakacute na larawan ni Baby Elona, kung saan ay nakasuot ito ng kulay pink na PPE o personal protective equipment.




Talaga nga namang napapanahon ang tema ng 1st month celebration ni Baby Elona, at sa tabi nito ay isang COVID-19 themed birthday cake na may hugis na tulad sa number 1. Napakacute naman talagang tingnan ni Baby Elona sa suot niyang outfit.

Samantala, ang cute na larawan na ito ni Baby Elona ay nilakipan naman ni Daddy Carlo ng caption na:

“Happy 1 month anak. Sorry Tatay can’t make it. Miss ko na amoy at yakap mo. Konti na lang uuwi na ako. Suot mo lang yan PPE para safe ka palagi.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza) on

Base sa caption ng aktor, ay wala ito sa tabi ngayon ni Baby Elona, kaya naman namimiss na niya ito. Sa kabila nga nito, ay iniisip ni Carlo ang kaligtasan ng anak ngayong panahon ng pandemya.
Samantalang si Trina naman ay simpleng pagbati na “Happy 1st month, anak,” ang naging caption ng kanyang post sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag) on

Matatandaan sa isang panayam, na ibinahagi ni Carlo na malaki ang naging pagbabago sa buhay niya magmula nang dumating si Baby Elona. Sa mga nakaraang post nga ng aktor, ay makikita na isang hands-on na daddy siya kay Baby Elona na talagang mahal na mahal ang kanyang anak.




Samantala, nilinaw rin ng aktor ang isyu patungkol sa mga nagsasabing balak niyang itago ang kanyang anak. Ayon nga kay Carlo, ay wala siyang intensyon na itago ang pagbubuntis ni Trina, dahil ang tanging hangad nila habang nagbubuntis ang nobya ay magkaroon sila ng pribadong buhay at ienjoy ang pregnancy journey nito. At nang isilang si Baby Elona, ay proud na proud nga si Carlo dahil isang biyayang maituturing ang pagdating ng munting anghel sa buhay nila. Kaya naman, hindi umano ito dapat itago bagkus ay dapat ipagmalaki at ipagpasalamat.

error: Content is protected !!