Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, Masayang Nagdiwang ng Kanyang Ika-6 Months Old Celebration

Parang kailan lang nang isilang ng aktres na si Sheena Halili ang kanyang napakacute na baby girl na si Baby Martina Candice. Matatandaan na noong ika-12 ng Disyembre 2020 nang isilang ni Sheena ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Jeron Manzanero, isang lawyer.

Tila nga hindi namalayan ang mabilis na paglipas ng panahon, at kamakailan lamang, araw ng Sabado, ika-12 ng Hunyo ay masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Sheena at Jeron ang ika-6 months old birthday ni Baby Martina.

Credit: Sheena Halili | Instagram

Sa Instagram ay proud na ibinahagi ni Sheena ang napakacute na larawan ni Baby Martina kung saan ay nagbihis ng Disney Princess at nagmistulang si Princess Jasmine sa suot nitong outfit. Ang napakagandang photoshoot ni Baby Martina ay kuha sa loob ng kanilang tahanan.

Caption nga ni Sheena sa kanyang post,β€œMartina’s entry for monthly Disney Princess! 🀣 Princess Jasmine!”

Credit: Sheena Halili | Instagram

Tila ramdam na ramdam naman ni Baby Martina ang selebrasyon ng kanyang espesyal na kaarawan dahil masisilayan sa kanyang mukha ang matamis na ngiti.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang napukaw ang atensyon ng ka-cutan ni Baby Martina, at nag-iwan rin ng komento ng pagbati sa naturang post ni Sheena.

Credit: Sheena Halili | Instagram

β€œO ang haba na ng buhok!! Hahaha half-y birthday Martina!!”

β€œDisney baby princess βœ¨β€

β€œSuper cute ur baby 😍😍 si chinita super pretty πŸ˜β€

Credit: Sheena Halili | Instagram

Magmula nang dumating sa buhay ni Sheena ang kanyang baby girl at cute na cute na si Baby Martina, ay walang pinapalampas na pagkakataon ang aktes para makasama ang kanyang anak. Sa social media ni Sheena, ay madalas niyang ibahagi ang masayang bonding moments nilang mag-ina. At makikita kung paanong ini-enjoy ni Sheena ang bawat sandali bilang isang ina sa piling ni Baby Martina.

Sa paglipas ng panahon, ay masisilayan rin ang bawat milestone ni Baby Martina. At sa bawat buwang nagdaan ay makikita na maraming bagay na itong natutunan at mas lalo ring nagiging aktibo. Bagay nga upang mas lalo pang maging hands on si Sheena sa kanyang anak na tila ayaw ng mahiwalay sa kanyang napakacute na baby girl.

Credit: Sheena Halili | Instagram

Sa isang Instagram post nga ni Sheena, ay sinabi nito na isa rin siyang stage mom ng kanyang anak, at kahit na mag-aral na ito ay hindi niya iiwan ang anak, dahil makakasama parin siya nito sa pagpasok sa paaralan.

β€œAlam ko na! Na stage mom ako πŸ™‹πŸ»β€β™€β€ Anak, humanda ka 🀣 kahit breaktime mo sa school andoon ako 🀣 sabay tayo kain 🀣 sana joke lang ito! πŸ€£πŸ™πŸ» We love you anak! Happy 6 months β™₯”

Credit: Sheena Halili | Instagram

Ngayon nga, ay makikita sa pamilya ni Sheena at Jeron ang masaya at makulay na pagsasama dahil sa kanilang munting anghel na si Baby Martina.

error: Content is protected !!