Connect with us

Inspiring

Napakacute Na Anak Ni Pokwang Na Si Malia, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 4th Birthday

Ang napakacute na batang si Malia ay anak ng komedyanteng si Pokwang sa kanyang American partner na si Lee O’Brian. Makikita naman talagang napakasaya ng kanilang pamilya, lalo na nga’t isang masayahin at bibong bata si Malia.

Photo credits to the owner

Si Malia nga ang sentro ng kanilang pamilya na siyang nagbibigay saya at kulay sa kanilang pagsasama. Kaya naman, sa pagdiriwang ng 4th birthday ni Malia ay hindi nakaligtaan ni Pokwang na ipaabot ang kanyang nakakaantig at puno ng pagmamahal na mensahe para batiin ang kanyang anak sa espesyal na araw nito.

Photo credits to the owner

Sa Instagram ay ibinahagi ni Pokwang ang larawan nila ni Malia, na animo’y inaayusan ang isa’t isa. Napakacute namang pagmasdan ni Malia sa kanyang suot na napakaganda at kumikinang na dress. Hindi naman maitago sa mukha ng mag-ina ang saya sa nasabing larawan.

Photo credits to the owner

Caption naman sa post ni Pokwang, ay dalawang taon nang nagdiriwang ng kaarawan sa loob ng tahanan si Malia dahil sa pandemya. Ngunit, ang bagay na ito ay ayos lamang dahil ang importante sa lahat ay walang sakit at palaging maayos ang kalusugan ni Malia lalo na nga sa panahon ngayon na laganap ang sakit.

 

“Happy, happy 4th birthday sa aming manika manikaan!!! Dalawang taon ka na nag bi-birthday sa bahay lang dahil sa pandemic na ito, pero ok lang ‘yan ‘nak, ang mahalaga ligtas ka lagi at malusog na bata.”

Photo credits to the owner

Pinasalamatan rin ni Pokwang ang Diyos dahil pinagkalooban siya ng mga anak itinuturing niya ngang pinakamagandang biyayang kanyang natanggap sa kanyang buhay niya. Ibinahagi rin ng komedyante ang kanyang kahilingan para sa kanyang anak na si Malia sa pagdiriwang ng 4th birthday nito. At ito nga ay maging malusog at malayo sa anumang sakit si Malia, at sana raw ay magkaroon ito ng takot sa Diyos.

“Thank you God sa mga biyaya ko at ito ay aking mga anak. Malusog na pangangatawan at takot sa Diyos, ‘yan ang wish ko sayo tisay malia_obrian at maraming cakes. Yeheeyyyyy. I love you!”

Photo credits to the owner

Samantala, marami rin sa mga sikat na celebrities sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati para sa pagdiriwang ng 4th birthday ni Malia. Ilan nga sa mga ito ay sina KC Concepcion, Melai Cantiveros, Gladys Reyes, Rabiya Mateo, at KaladKaren.

Maliban naman kay Malia ay may isa pang anak na babae si Pokwang, siya si Mae Subong na anak niya sa kanyang dating Japanese partner.

Photo credits to the owner

Ang matamis na pagmamahalan naman nina Pokwang at Lee ay nagsimula matapos magkasama sa trabaho sa pelikulang Edsa Woolworth. At sa pagdaan ng panahon ay pinatunayan nila ang kanilang wagas na pag-ibig sa isa’t isa kung saan nga ay malapit nang magdiwang ng kanilang 7th anniversary. Nagbunga naman ng isang napakacute na baby girl ang kanilang pagsasama na isinilang ni Pokwang noong January 18, 2018 at pinangalanang Malia Francine O’Brian.

error: Content is protected !!