Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak ni Pokwang na si Baby Malia, Kinagiliwan ng mga Netizens Matapos Ipamalas ang Husay sa Pagkanta at Pagsayaw

Hindi natin maikakaila na tayong mga Pinoy ay talagang humahanga sa husay at galing ng mga Korean. Marami nga sa atin ang mahilig ng manood ng mga K-drama, ngunit may mga naaaliw rin sa mga K-Pop group na talaga namang bukod sa mga gwapo at magaganda, ay napakahusay ring kumanta at sumayaw.




Isa na nga riyan ang grupo ng Black Pink na talagang kahanga-hanga ang husay sa pagkanta at pagsayaw. At sa tuwing maririnig nga ang kanilang mga sikat na kanta tulad ng “Kill this Love” ay talagang mapapasabay ka sa pag-indak.

Katulad na lamang ng napakacute na anak ng komedyanteng si Pokwang na si Baby Malia O’Brian na tagahanga rin Black Pink.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Si Baby Malia, ay sadyang napakacute na bata, ngunit bukod nga sa taglay nitong ka-cutan ay hindi rin maikakaila ang talentong taglay nito, na namana na kanyang Mommy Pokwang.
Kamakailan nga, ay proud na ibinahagi ni Mommy Pokwang sa isang video ang talentong taglay ng anak sa kanyang Instagram. Makikita nga na talagang todo hataw ang napakacute na si Baby Malia sa pagkanta at pagsayaw habang sumasabay sa kantang “Kill this Love” ng K-Pop group na Black Pink na animo’y isang performer. Tila naman feel na feel ni Baby Malia ang kanyang performance habang hawak ang isang suklay na nagsilbi niyang mikropono.




May isa pang video na ibinahagi si Mommy Pokwang, sa nasabing video, mapapanood naman si Baby Malia na tila nasa isang concert habang nakaharap sa malaking flatscreen TV kung saan mapapanood ang Black Pink.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on

Talaga nga namang napakabibo at kahanga-hanga ang talentong taglay ni Baby Malia. Sa murang edad nga nito ay makikita na magiging isang mahusay na performer ito gaya ng kanyang ina na si Mommy Pokwang na talaga namang hinahangaan rin ang performance sa entablado.

Dahil nga, sa ipinamalas na talento ni Baby Malia, ay maraming netizens ang natuwa at talagang kinagiliwan ang napakacute na bata. May nagkomentong netizen na nagsabing si Malia na ata ang nawawalang miyembro ng Black Pink.

“Ang nawawalang myembro ng BlackPink pala..Malia O brian^^”
May nagsabi naman na kamukha ni Baby Malia ang ama nito.
“ang cute ng baby mo ate pokwang..carbon copy c tatay”

error: Content is protected !!