Connect with us

Entertainment

Napakacute Na Anak Ni Baron Geisler Na Si Talitha, Masayang Nagdiwang Ng Kanyang 2nd Birthday

Sa kabila nga ng matinding pagsubok na nararanasan sa ating kapaligiran ngayon, ay hindi naman maikakaila na hindi tayo nawawalan ng pag-asa. Patuloy nga nating hinaharap ang laban sa gitna ng pandemya. At hindi natin nakakalimutan na magpasalamat sa mga biyayang natatanggap sa ating buhay.

CREDITS: Baron Geisler| IG

Kaya naman hanggat may pagkakataon ay gumagawa tayo ng paraan para ipagdiwang ang anumang okasyon o selebrasyon sa loob ng ating tahanan. Katulad na lamang nga ng kaarawan ng napakacute na anak ng aktor na si Baron Geisler na si Talitha.

CREDITS: Baron Geisler| IG

Hindi nga pinalampas ng aktor na si Baron at ng kanyang misis na si Jaime Evangelista na ipagdiwang ang 2nd birthday ng kanilang baby girl na si Tali nito lamang ika-20 ng Enero. Kahit nga nasa gitna ng pandemya at laganap ang sakit, ay minabuti ni Baron na magkaroon ng simple ngunit masayang selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan.

CREDITS: Baron Geisler| IG

Para sa masayang selebrasyon ng ika-dalawang taong kaarawan ni Tali ay ibinahagi ni Baron sa kanyang Instagram ang mga larawan na kuha sa masayang selebrasyon. Makikita na masayang-masaya ang kanilang pamilya sa pagdiriwang ng kaarawan ni Tali.

Sa caption naman ng kanyang post, ay hindi maitago ni Baron ang kanyang pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng lakas sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan. At sa dami nga ng hindi magagandang pangyayari na naganap sa kapaligiran, ay nabigyan sila ng pagkakataon magkaroon ng simple ngunit masayang selebrasyon para ipagdiwang ang kaarawan ni Tali.

CREDITS: Baron Geisler| IG

“After surviving typhoon Odette and Omicron, celebrating life has become simpler yet more meaningful. Thanking God for Tali who gives me joy and keeps me motivated. Thank you Abba, Father!” sabi ng aktor sa caption ng kanyang post.

Samantala, ang imahe ni Baron sa publiko ay hindi maganda kung saan nga ay tumatak na sa isip ng mga tao ang kanyang pagiging badboy. Ngunit, sa pagdating nga ng kanyang asawang si Jaime, isang psychologist sa kanyang buhay ay tila nasumpungan ni Baron ang hinahangad niyang pagbabago sa kanyang buhay. .

CREDITS: Baron Geisler| IG

Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong 2019 sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. Mas lalo namang naramdaman ni Baron ang bagong buhay sa pagdating ng napakacute na anak na si Tali. Ngayon nga, ay isang mapagmahal na asawa at ama si Baron sa kanyang pamilya.

CREDITS: Baron Geisler| IG

Hindi nga pinapalampas ni Baron ang pagkakataon na ipadama sa kanyang mag-ina ang kanyang pagmamahal na kung saan nga ay talagang isnag butihin at responsableng padre de pamilya.

error: Content is protected !!