Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak ni Anne Curtis na si Baby Dahlia Amelie, Kinagiliwan ng mga Netizens Matapos Nito Ipamalas ang Pagkahilig sa Pagbabasa ng Libro

Isa sa kinagigiliwang celebrity baby ngayon sa showbiz, ay ang anak ng aktres at TV host na si Anne Curtis at asawa nitong vlogger at chef na si Erwan Heussaff. Talaga nga namang walang makakatangging pagmasdan ang napakacute at maamong mukha ni Baby Dahlia Amelie.




Kaya naman, marami ang talagang nakaabang sa kanyang mga larawan at video na ibinabahagi ng kanyang mga magulang sa social media. Ang mga netizens nga ay hindi mapigil ang kanilang gigil sa cute na bata, lalo na ang mga nakakatuwa nitong ginagawa.

Hindi rin maikakaila na kahit munting bata pa lamang ito, ay makikita na ang angking ganda na walang duda na namana sa kanyang mga magulang. Kahanga-hanga rin ang mga nakakatuwang hilig ni Baby Dahlia, katulad na lamang nga ng pagbabasa ng libro.

Isa nga sa kinahuhumalingan ngayon ni Baby Dahlia, ay ang pagbabasa ng mga libro. Ngunit, higit sa anumang libro ay malaki ang interes ni Baby Dahlia sa mga librong may kinalaman sa mga hayop.

Sa isang video clip na ibinahagi sa Instagram page ni Baby Dahia, makikita na magkasama ang ina ni Anne na si Mommy Carmen at Baby Dahlia habang nagbabasa ng libro. At sa story time ng maglola, ay kapansin-pansin na tutok na tutok at di maalis ang tingin ni Baby Dahlia sa binabasang libro. Tila nga seryoso itong nakikinig sa kanyang lola habang binabasa ang libro.




Sa murang edad nga ni Baby Dahlia, ay makikita na ang interes nito sa pagbabasa ng libro. Walang duda na nakasanayan na nito, ang makinig sa binabasang kwento noong nasa sinapupunan pa lamang siya ng kanyang inang si Anne. At ngayon nga na naisilang na siya ng kanyang Mommy Anne, ay dala niya parin ang hilig sa pagbabasa ng libro. Ngunit sa pagkakataong ito, ay ang kanyang Daddy Erwan ang kanyang katuwang at siyang nagtuturo sa kanya sa pagbabasa ng libro.

 

At sa tulong at gabay ng kanyang mga magulang, ay talagang naeenjoy ni Baby Dahlia, ang bawat kataga sa libro na binabasa sa kanya.

Samantala, muli na naman ngang kinagiliwan ng mga netizens si Baby Dahlia matapos ipamalas ang kanyang hilig sa pagbabasa ng libro at ang mga ito ay nag-iwan ng mga komento na puno ng paghanga.

error: Content is protected !!