Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak ng Mag-asawang Sheena Halili at Jeron Manzanero na si Baby Martina Candice, One Month Old Na

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang first time parents na sina Sheena Halili at Jeron Manzanero sa pagdating ng kanilang napakacute na baby girl sa kanilang buhay. Noong ika-12 ng Disyembre 2020, ay isinilang ni Sheena ang isang napakacute at malusog na sanggol na pinangalanan ng mag-asawa ng Martina Candice.




Minsan naman nang ibinahagi ni Jeron at Sheena, na ang pangalan ng kanilang baby girl ay hango sa pangalan ng yumaong lolo ni Sheena, kung saan ay kapareho rin kaarawan ni Martina.

“His name was Candido Halili. He was one of your mommy’s heroes—a great man who is watching over us from heaven. That’s why we decided to name you after him!”

Tila hindi naman namalayan ang paglipas ng oras sapagkat noong ika-12 ng Enero, ay isang mahalagang kaganapan sa buhay ng mag-asawa, ang kanilang ipinagdiwang. Ito nga ay milestone ng kanilang panganay na anak, na ngayon nga ay isang buwang gulang na.

At bilang mga first time parents, ay proud na ibinahagi nina Sheena at Jeron, ang kanilang pagbati sa kanilang anak, na nagsilbing biyaya sa kanilang buhay.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Sheena ang photoshoot ng kanyang anak. Sa tulong ng mahusay na florist at events designer na si Gideon Hermosa, ay napaganda at nalagyan ng kaaya-ayang disenyo ang mini pictorial ni Baby Martina. At para sa 1st month birthday pictorial ay cloud-themed shoot, ang inihanda ng mag-asawa para sa kanilang baby girl na mismong si Sheena ang kumuha ng mga larawan.

“This bundle of joy who brought us to Cloud Nine is now a month old!,”caption ni Sheena sa kanyang post.

Samantala, maliban sa cloud-themed shoot, ay nagsuot rin ng Snow White dress si Baby Martina na sadyang napakacute pagmasdan. Sa naturang larawan, ay kasama naman ni Baby Martina ang kanyang Mommy Sheena. Nikalipan naman ito ng caption ng aktres ng:

“Snow White And The Mother ? na nagpaka photographer.”

Samantala, nagbahagi rin si Jeron sa kanyang Instagram ng larawan ni Baby Martina at nilakipan ng caption na:

“One month of sugar, spice, and everything nice.”




Marami sa mga netizens ang humanga sa kacutan ni Baby Martina na kung saan ay nagbigay ng kanilang komento at reaskyon.

Matatantaan na ikinasal sina Sheena at Jeron noong Pebrero 23, 2020 sa isang magarbong seremonya na ginanap sa Blue Leaf Events Place sa Quezon City.

error: Content is protected !!